Chinese Horoscope July 11

0
311

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope July 11.

Daga (Rat)

Kinakailangan mong magdesisyon kung ano ang dapat na gawin. Nakakaramdam ka ng takot. Kailangan mong palisin ‘yan. Hindi magiging maayos ang inyong relasyon kung puro negatibo ang nararamdaman mo.

Baka(Ox)

Sa takdang panahon ay darating din ang tamang tao para sa’yo kaya huwag kang magmadali. Hindi porke guwapo, siya na prinsepe mo. Baka naman sa huli ay maging palaka lang siya. Kaya, easy ka lang. Huwag mong pabilisin ang pangyayari sa buhay mo dahil magiging daan lang ‘yan para magkamali ka at maging miserable.

Tigre (Tiger)

Huwag kang masyadong mareklamo, hindi ka susuwertehin kung ganyan ka. Ang dapat, gawin mo lang ang the best mo palagi. Kapag nagawa mo iyon, magugulat ka kapag naging maganda na ang takbo ng buhay mo sa susunod na araw.

Kuneho (Rabbit)

Kung gusto mong mas hangaan ka sa’yong talento o trabaho, doblehin mo ang iyong kasipagan. Kapag nagawa mo ‘yan, mababati kita ng ‘congrats’ dahil ‘yan na ang simula para gumanda ang iyong buhay. Masuwerte ka sa polka dots.

Dragon

Mag-move on ka na. Kung lagi mong iisipin ang nakaraan, sa palagay mo ba’y magiging okay ang lahat. Hindi. Lagi ka lang makakaramdam ng panghihinayang. Ang gawin mo, patawarin mo ang iyong sarili sa pagkakamaling nagawa mo.

Ahas (Snake)

Nakakaramdam ka ba ng takot sa bawat desisyon mo? Magtiwala ka sa sarili mo. Walang mangyayari kung pati ikaw ay magdududa sa kakayahan mo.

Kabayo (Horse)

Kung marami ang nagbibintang sa’yo, huwag mo na silang pansinin. Basta, alam mo kung ano ang tama, huwag ka na mag-alala pa. Mapalad ka sa numero 7.

Tupa(Sheep)

Marami ka ng pinagdaanan, oks lang ‘yan. Ang importante, natuto ka. Sana ay itama mo na rin ang pagkakamaling ginawa mo.

Unggoy (Monkey)

Sandamakmak man ang pera mo, hindi ka pa rin magiging masaya kung hindi mo naman nakukuha ‘yan sa malinis na paraan. Kaya, kung alam mong mali ang ginagawa mo, huwag mo na ipagpatuloy pa.

Tandang(Rooster)

Mahal na mahal ka ng mga taong nakapaligid sa’yo pero parang hindi mo alam. Manhid ka ba o nagtatanga-tangahan lang? Sana ay pahalagahan mo na ang mga taong nandiyan sa tabi mo bago mahuli ang lahat.

Aso (Dog)

Ikaw lang ang makapagdedesisyon kung anong buhay mo sa darating na panahon. Kung ayaw mong maging miserable, kalimutan mo na ang iyong katamaran. Maging masipag ka upang magkaroon ng magandang buhay.

Baboy(Pig)

Hindi mo magagawang takasan ang katotohanan kaya tigilan mo na ang pagsisinungaling. Hindi ‘yan makakatulong para magkaroon ka ng magandang buhay. Kahit mayaman ka pa, makakaramdam ka pa rin ng takot kapag nawala ang mga taong nagiging dahilan kaya ka nagkakapera.

Salamat sa pagbasa ng Chinese Horoscope July 11.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here