Chinese Horoscope; Hunyo 5

576

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT) Kakailanganin mong limitahan ang pagtulong mo sa isang kaibigan. Bagamat kusang loob at kagustuhan mo talaga na makatulong sa kanya, sa kabilang banda ay tinuturuan mo rin siya ng katamaran at inaalisan mo siya ng pagkakataon na tumayo sa sarili niyang mga paa. Masuwerteng numero; 17,20,33,40

BAKA (OX) Wala kang magagawa sa magiging desisyon ng iyong mga magulang tungkol sa isang mahalagang bagay. Mas higit ang kanilang karanasan at kaalaman kaya mas makakabuti kung sa pagkakataong ito ay susunod ka na lang muna. Masuwerteng numero; 13,32,55,67

TIGRE (TIGER) Sa araw na ito ay lalakas ang kutob mo na may ginagawang hindi maganda ang iyong kapareha sa iyong likuran. Bago mo sabihin sa iba ang iyong kutob ay alamin mo muna ang buong katotohanan upang hindi mapahiya. Masuwerteng numero; 10,41,54,78

KUNEHO (RABBIT) Hindi mo makukumbinsi ang isang kaibigan na maki-join sa’yo sa negosyong nais mong pasukin. Hindi maganda ang kutob niya tungkol dito dahil hindi pulido ang mga detalye. Mas mabuti kung makikinig ka sa kanya upang makaiwas ka rin sa kamalasan. Masuwerteng numero; 7,12,20,39

DRAGON (DRAGON) Hindi ito ang araw para ikaw ay magpasaway. Mas makakabuti kung mananahimik ka muna sa inyong tahanan at maghahanap ng mga makabuluhang bagay na magagawa mo kaysa lumabas at magkaroon ng kaaway. Masuwerteng numero; 1,11,23,25

AHAS (SNAKE) May bagong pag-ibig na kakatok sa puso mo pero hindi pa ito ang tamang panahon para bigyan ito ng pansin. May mga kailangan ka pang ayusin sa personal mong buhay. Dapat mo munang ligpitin ang mga kalat na iniwan sa’yo ng dati mong pag-ibig. Masuwerteng numero; 16,38,39,51

KABAYO (HORSE) Mapapangiti ka sa maririnig mong komento mula sa isang kasamahan sa trabaho. May konting kilig itong ihahatid sa’yo. Pero hindi mo dapat ipakita sa kanya ang kilig na ‘yon dahil may tendency na magtake-advantage siya sa’yo. Masuwerteng numero; 6,30,44,56

TUPA (SHEEP) Kakapusin ka sa lakas ng loob na gawin ang dapat mong gawin ngayong araw. Kaya naman ang inaasahan mo ay hindi mangyayari. Sa halip ay ipagpapaliban mo ito at susubukan na makapag-ipon ng lakas ng loob na kailangan mo. Masuwerteng numero; 14,20,39,46

UNGGOY (MONKEY) Magiging maluwag ka sa pananalapi ngayon.Taliwas sa kagipitan na inaasahan mo na ngayong araw. Ito ay dahil sa maganda mong awra at pagkakaroon ng good vibes sa kabila ng mga nararanasan mong problema. Masuwerteng numero; 2,12,30,50

TANDANG (ROOSTER) Kahit pa kailangang kailangan mo ay hindi mo pa rin makakayang pakialaman ang isang bagay na hindi sa’yo kahit pa mahalaga na magkaroon ka nito. Mananaig pa rin sa kalooban mo ang katapatan kaya isosoli mo ang mapupulot mo ngayong araw lalo na at kilala mo ang may-ari nito. Masuwerteng numero; 8,19,34,68

ASO (DOG) Mababawasan ang kumpiyansa mo sa sarili dahil sa kabiguang mararanasan mo ngayon. Pero hindi ito nararapat. Sa halip kailangan mo pang dagdagan ang kumpiyansa mo sa sarili upang ang kabiguan ay mapagtagumpayan mo na sa ibang pagkakataon. Masuwerteng numero; 6,16,64,79

BABOY (PIG) May iindahin kang karamdaman ngayong araw. Kaya naman maaapektuhan ang iyong trabaho. Wala kang gugustuhing gawin kundi ang magkulong sa kuwarto at magpahinga. Buong maghapon kang magpapahinga at hindi magpapaistorbo. Masuwerteng numero; 4,35,67,68

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here