Chinese Horoscope; Hunyo 5

285

DAGA (RAT)

Mababaling ang atensyon mo ngayon sa social media. Dito mauubos ang oras mo sa buong maghapon. Gayunpaman, hindi lang naman ito paglilibang para sa’yo dahil meron kang mahalagang bagay na inaalam.

Masuwerteng numero; 20,30,45,46

BAKA (OX)

Hindi ka mag-aalinlangan na kausapin ang isang opisyal tungkol sa problemang kinakaharap ng inyong lugar. Ibubuhos mo ang lakas ng loob upang matugunan lamang ang pangangailangang ito at maresolba ang problema.

Masuwerteng numero; 17,22,33,35

TIGRE (TIGER)

Maraming bagay kang pagkakaabalahan ngayong araw kaya hindi mo maiiwasan na mataranta at malito kung ano ang dapat mong unahin at tapusin. Kaya naman hindi mo rin maiiwasan na magkamali ng gagawin.

Masuwerteng numero; 39,40,41,42

KUNEHO (RABBIT)

Dahil wala ka namang kasanayan sa bagong proyekto na mapupunta sa’yo ay susubukan mo na makipagpalit sa iba o kaya ay ipabahala ito sa alam mong tao na mapagkakatiwalaan at mas merong kaalaman tungkol dito.

Masuwerteng numero; 8,9,13,14

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka sanay na inuutus-utusa at minamanduhan ng tao na alam mong walang karapatan na gawin ito sa’yo. Kaya naman aalma ka. Hindi mo ito hahayaan na gawin ang gusto niyang gawin. Hindi mo ito mapapayagan.

Masuwerteng numero; 25,27,30,36

AHAS (SNAKE)

Maaagaw ang atensyon mo sa kakaibang istilo ng pagluluto sa isang site sa internet kaya naman magkakainteres ka na gayahin ito. Ngayong araw ay ihahanda mo ang mga kakailanganin mo upang maisagawa ito.

Masuwerteng numero; 20,27,31,32

KABAYO (HORSE)

Ang araw na ito ay matutuon sa pagbabalik tanaw mo sa mga nakaraang pangyayari sa iyong buhay. pakakaisipin mo kung saan ka maaaring nagkamali, sumobra at nagkulang upang maiayos mo pa ang mga ito.

Masuwerteng numero; 9,11,13,24

TUPA (SHEEP)

Isang tawag mula sa kaibigan ang magpapagulo ng isip mo. Pakakaisipin mo ang ibig sabihin ng kanyang hatid na balita sa’yo. Mahihirapan kang bigyan ito ng konklusyon kaya hihingin mo ang opinyon ng isang malapit na kamag-anak.

Masuwerteng numero; 17,20,21,23

UNGGOY (MONKEY)

Magkakaroon ka ng pagkakataon ngayon para iwan ang dati mong trabaho dahil sa pagdating ng isang mas magandang oportunidad. Pero hindi ka pa makakapagdesisyon sa ngayon dahil napamahal na rin sa’yo ang trabahong ito.

Masuwerteng numero; 20,30,40,50

TANDANG (ROOSTER)

Walang magiging problema sa’yo ang pagdating ng isang malayong kamag-anak sa inyong tirahan upang pansamantalang makitira. Wala kang balak na ipagtabuyan siya dahil ayaw mo ring mangyari ito sa’yo kung sakali man.

Masuwerteng numero; 33,41,48,59

ASO (DOG)

Maganda ang magiging feedback sa’yo ng bago mong boss. Dahil dito ay mas lalo kang gaganahan sa trabaho. Pag-iisipan mo kung ano pang madali subalit maayos na diskarte ang gagawin mo upang lalo mo siyang mapabilib.

Masuwerteng numero; 7,18,29,31

BABOY (PIG)

Dahil sa dami ng biyayang matatanggap mo ay hindi ka magdadalawang isip na magbahagi nito sa iba. Lalo na sa mga kamag-anak mong nakapaligid at laging nagmamalasakit sa’yo. Ibabalik mo sa kanila ang tulong at pasasalamat.

Masuwerteng numero; 3,4,16,18

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here