Chinese Horoscope Hunyo 24, 2022

DAGA (RAT)

Kahit na mag-asawa na kayo ay may mga bagay pa rin na hindi mo na dapat pang pinapakialaman lalo na kung ito ay bahagi na ng kanyang nakaraan. Huwag mo nang ipilit na mapanghimasukan mo ito dahil pag-aawayan ninyong tiyak.

Masuwerteng numero; 58,59,60,67

BAKA (OX)

Walang masamang tinapay sa’yo. Pagiging mapagbigay ang lagi mong pinaiiral kahit na sino pa ang iyong kaharap, kaibigan mo man o hindi, kaya naman hindi mo rin maiiwasan ang mga pagkakataon na ikaw ay maabuso na ng ibang tao.

Masuwerteng numero; 18,29,30,32

TIGRE (TIGER)

Isang simpleng okasyon ang iyong pupuntahan. Walang maraming bisita pero sagana naman sa pagkain. Magiging labis at kumpleto pa rin ang inyong kasiyahan dahil kahit konti lang ay malalapit naman sa’yo lahat ang naroon.

Masuwerteng numero; 3,5,16,18

KUNEHO (RABBIT)

Kakailanganin mong maghanda ng mga ebidensya kung talagang nais mong mapatunayan ang akusasyon mo sa isang tao. Kung puro salita lang ay huwag mong asahan na paniniwalaan ka ng iba. Kung wala ka pang ebidensya ay manahimik na lang muna.

Masuwerteng numero; 34,40,44,45

DRAGON (DRAGON)

Isang negosyo ang muli mong bubuksan dahil sa impluwensya sa’yo ng isang tao. Kahit iniwan mo na ito dati ay magkakaroon ka ulit ng interes na muli itong buhayin ngayon dahil sa tao na magbibigay sa’yo ng inspirasyon kaugnay nito.

Masuwerteng numero; 17,28,31,33

AHAS (SNAKE)

Kusang lalapit sa’yo ngayon ang suwerte kahit hindi mo ito inaasahan sa araw na ito. Nakalaan ito sa’yo kaya naman kahit ano pa o sino pa ang maging hadlang para mapasakamay mo ito ay hindi magtatagumpay.

Masuwerteng numero; 63,65,73,78

KABAYO (HORSE)

Kahit na anong gawin mong pag-iwas ngayon sa problema ay hindi mo na ito maiiwasan. Dahil nadawit na ang iyong pangalan ay hindi na maaaring hindi ka madamay. Kakailanganin mo ng sapat na lakas ng loob para harapin ito.

Masuwerteng numero; 9,11,13,14

TUPA (SHEEP)

Sa araw na ito ay uumpisahan mo ng bumuo ng plano para sa negosyong ninanais mong itayo. Pag-iisipan mo pa kung kukuha ka ng kasosyo o mag-isa mo na lang itong itataguyod. May makukuha ka ring payo mula sa pamilya.

Masuwerteng  numero; 40,50,61,62

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw ang magbibigay ng hudyat sa iyong mga kasama para masimulan na ang isang proyekto. Pero hindi mo pa maibibigay sa kanila ang hudyat na hinihintay nila hangga’t hindi mo pa ito natatapos pag-aralan dahil ayaw mong magkamali.

Masuwerteng numero; 35,38,39,50

TANDANG (ROOSTER)

Walang mangyayari sa’yo kung patuloy kang magpapatumpik tumpik sa trabaho. Hindi ito kusang lalapit sa’yo. Ikaw dapat ang gagawa ng paraan kung paano makakapasok dito. Matutong makinig sa mga nakakatanda.

Masuwerteng numero; 13,14,20,21

ASO (DOG)

Isa sa iyong mga kapitbhay ang labis na matutuwa sa ipapakita mong kabaitan. Bukod sa pagiging magkapitbahay ay wala na kayong ibang koneksyon. Nanaisin nyo pareho na maging kaibigan ang isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 18,23,24,43

BABOY (PIG)

Sa wakas ay matutuloy na rin ang matagal mo na dapat lakad. Sa araw na ito ay mapapasa’yo na ang pinakahihintay mong pera na siyang magiging sagot sa lahat ng iyong nakaambang bayarin. Kaya naman makakahinga ka na rin ng maluwag.

Masuwerteng numero; 11,20,23,26

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here