Chinese Horoscope; Hunyo 21

0
462

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

May mga bagay na sadyang para sa’yo kahit pa ariin ng iba. Anuman ang gawin nilang pag-angkin, sa huli ay mapapasaiyo pa rin ito. Kaya hindi ka dapat masyadong mag-alala. Ang para kay Juan ay para kay Juan iyan ang lagi mong tandaan.

Masuwerteng numero; 7,18,20,24

BAKA (OX)

Ang pagkakataon na hinihintay mo ay darating na. Ngayong araw ay magkakaroon ka ng tsansa na makausap ang tao na matagal mo nang gustong makausap. Huwag mo nang aksayahin pa ang pagkakataong ito na minsan lang darating.

Masuwerteng numero;10,30,35,46

TIGRE (TIGER)

Maging maingat ka sa mga tao na pagkakatiwalaan mo. Ang iba na nasa paligid mo ay kinukuha lamang ang iyong tiwala subalit iba ang intensyon. May tao naman sa paligid mo na akala mo ay hindi tapat sa’yo pero siya mo pa lang mapagkakatiwalaan.

Masuwerteng numero; 7,17,26,29

KUNEHO (RABBIT)

Kakailanganin mong magpalit ng strategies para sa inyong relasyon. Hindi na uubra sa kanya ang mga style mo. Mas makakabuti kung magiging tapat ka na lang at magiging totoo sa kanya sa lahat ng oras kahit pa sa oras na alam mong masasaktan mo siya.

Masuwerteng numero; 16,32,56,59

DRAGON (DRAGON)

Bilis bilisan mo ang pagkilos kung ayaw mong maunahan ng iba. Sa araw na ito ay makakaranas ka ng sobrang pressure dahil sa kagustuhan mong makuha ang isang bagay. Hindi ka dapat magpatumpik tumpik.

Masuwerteng numero; 4,11,20,34

AHAS (SNAKE)

Wala kang dapat ipag-alala sa nalalapit na pag-alis ng isang kapamilya. Alam niya ang kanyang ginagawa at sigurado siya sa gusto niyang gawin. Dapat mong ibigay ang buong tiwala at suporta mo sa kanya upang lalo pang lumakas ang kanyang loob.

Masuwerteng numero; 26,31,42,55

KABAYO (HORSE)

Sa iyo maiiwan ang responsibilidad sa pamamahala ng inyong grupo habang wala ang inyong lider. Pagkakataon mo na ito para maipakita ang galing mo sa paghawak ng isang team. Malaki ang tiwala sa’yo ng inyong teamleader kaya ikaw ang napili niyang pansamantalang humalili sa kanya.

Masuwerteng numero; 11,12,24,29

TUPA (SHEEP)

Ikakalungkot mo ang pagtamlay ng inyong negosyo. Sisikapin mong alamin ang posibleng dahilan nito pero mabibigo ka lang. Mas makakabuti kung mag-iisip ka na lang ng bagong diskarte para umangat ang inyong kita.

Masuwerteng numero; 5,11,13,20

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang planong gumive up sa mga pangarap mo kaya naman nakahanda kang gawin ang lahat para maipagpatuloy kung anuman ang iyong mga nasimulan. May mga tao na handang umalalay sa’yo kaya makakadama ka ng kapanatagan lalo na sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 1,2,44,50

TANDANG (ROOSTER)

Pansamantala ka ngayong mapapahinga sa stress. Mangyayari ang gusto mong makuhang pahinga. Walang sinuman ang magtatangka na abalahin ka sa araw na ito dahil alam nila na bihira mo itong gawin.

Masuwerteng numero; 35,42,66,67

ASO (DOG)

May mga pagkakataon talaga na hindi mo alam kung saan mo ilalagay ang iyong sarili. Lalo na at mahirap ispelengin ang ugali ng mga kasama mo sa bahay, sala sa init sala sa lamig kaya para kang nakatuntong sa numero. Kabilang ang araw na ito sa nakakainis na araw para sa’yo.

Masuwerteng numero; 5,16,28,34

BABOY (PIG)

Manghihinayang ka sa isang oportunidad na makakalampas dahil sa katigasan ng iyong ulo. Kaya sa susunod ay makikinig ka na sa mga payo sa’yo lalo na ng mga nakatatanda sa inyong pamilya na siyang tunay na nagmamalasakit sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,29,33,57 26

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here