Chinese Horoscope; Hunyo 2

1
1111

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Huwag ka munang mag-assume sa isang bagay na wala pang kasiguraduhan. Ang dapat mo munang isipin ay kung paano mo masosolusyunan ang kasalukuyan mong problema bago mo isipin ang hindi pa naman dumarating.

Masuwerteng numero; 7,8,19,30

BAKA (OX)

Maghinay hinay ka sa pagbibitaw ng salita sa iyong kapamilya. Isa sa miyembro ng pamilya ang masasaktan mo. Maski hindi mo ito sinasadya, sa oras na ito ay nasabi mo na, mahirap nang mabawi pa.Kakailanganin mong humingi ng pasensya.

Masuwerteng numero; 1,21,33,44

TIGRE (TIGER)

Kung sa tingin mo ay hindi siya karapat dapat sa’yo, ano pa ba ang hinihintay mo, bakit hindi mo pa siya magawang bitawan? Iyan ang mga katanungan na hindi mo masasagot dahil kayong dalawa ay pinagtagpo ng tadhana para maging kayo hanggang sa huli.

Masuwerteng numero; 19,43,56,67

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang magagawa sa problemang kinakaharap ngayon ng iyong kaibigan. Kahit pa mag-umiyak sya sa balikat mo ay wala kang ibang maitutulong kundi ang pakalmahin siya at ipagdasal na malampasan niya ang problema niya.

Masuwerteng numero; 10,35,46,71

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo maitatapon ang pinagsamahan nyo dahil lang sa isang pagkakamali. Kahit na gaano ka pa nasasaktan ngayon ay hindi mo siya basta-basta maiaalis sa puso mo. Mas makakabuti kung didistansya ka na lang muna para makapag-isip.

Masuwerteng numero; 5,18,42,46

AHAS (SNAKE)

Isang tao ang magtatangkang lumapit sa’yo para mangutang. Pero hindi niya iyon itutuloy sa sarili niyang dahilan. Dapat mo itong ipagpasalamat dahil alam mo naman na wala kang kakayahan para magpautang sa ngayon na nasa gitna ka rin ng kagipitan

Masuwerteng numero; 14,26,78,80

KABAYO (HORSE)

Hindi pa ito ang oras para magbilang ng sisiw. Kakailanganin mo pang dagdagan ang ginagawa mong pagsisikap at pagtitiyaga. Magiging paborable sa’yo ang panahon kaya naman wala kang poproblemahin kundi maliliit na bagay.

Masuwerteng numero; 8,19,29,30

TUPA (SHEEP)

Makuntento ka muna kung ano ang nasa sa’yo sa ngayon. Negatibo ang paligid para sa’yo. Hindi ito ang tamang araw para gumalaw ka at magdesisyon. Hayaan mo munang lumipas ang araw na ito bago ka gumawa ng aksyon.

Masuwerteng numero; 8,12,14,25

UNGGOY (MONKEY)

Kikiligin ka ngayon dahil sa mensahe na matatanggap mo sa iyong mahal. Hindi siya laging malambing sa’yo kaya naman sa mga pagkakataon na gaya nito ay sobra mo nang ikinatutuwa. Madalas kasi ay may pagka-suplado siya.

Masuwerteng numero; 4,11,32,57

TANDANG (ROOSTER)

Malabo pang dumating ang tao na hinihintay mo. Marami pang sagabal sa kanyang pagbabalik kaya naman wala kang mapagpipilian kundi maghintay pa ng ilang araw o buwan. Kumplikado pa ang kanyang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 6,9,23,69

ASO (DOG)

Hindi mo matatapos ang proyektong nasimulan mo dahil sa iyong pagkabalisa. Masyado kang maramin iniisip na problema sa bahay na nadadala mo hanggang sa trabaho. Kakailanganin mo ng pahinga ng katawan at gayundin ang isip.

Masuwerteng numero; 12,14,32,48

BABOY (PIG)

Maganda ang magiging development ng iyong negosyo. Ito ay dahil sa pagkakaroon mo ng good vibes at dapat mo itong panatilihin. Malaki ang naitutulong ng positibo mong awra sa pag-ikot ng suwerte sa iyong negosyo.

Masuwerteng numero; 5,14,22,55

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here