Chinese Horoscope; Hunyo 2

194

DAGA (RAT)

Ang pangarap mo ay malayong malayo pang matupad sa araw na ito. Sa halip ay pansamantalang mababaling ang atensyon mo sa isang mahalagang bagay na mas makakatulong ngayon sa kabuhayan nyo.

Masuwerteng numero; 17,20,24,26

BAKA (OX)

Ang panahon mo ay mabubuhos sa pagtuklas mo sa iba’t-ibang klase ng pagluluto. Ito ang pagkakaabalahan at kawiwilihan mong gawin ngayon kaya naman pansamantala kang malalayo sa mga stress mo.

Masuwerteng numero; 6,11,13,30

TIGRE (TIGER)

Isang tao ang magkakamali ng paghusga sa’yo sa araw na ito. Pero sa halip na magalit at magmalaki sa kanya ay buong puso kang magpapakumbaba at uunawain na lang ang kanyang nagawa. Wala kang balak na ibalik ang panghuhusga niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,30,34,47

KUNEHO (RABBIT)

Mas magiging komportable ka ngayon sa piling ng iyong mahal dahil alam mo na hindi na ganoon kabigat ang problemang hinaharap nyo. Malaki rin ang tiwala mo sa kanya kaya ipababahala mo na sa kanya ang lahat.

Masuwerteng numero; 6,16,20,21

DRAGON (DRAGON)

Mauubos ang pasensya mo sa isang kaibigan na muling magsasabi sa’yo ng kanyang mga problema kabilang na sa pananalapi. Maraming beses mo na siyang natulungan at makakaramdam ka na rin ng pananawa.

Masuwerteng numero; 8,19,20,25

AHAS (SNAKE)

Ang patuloy mong pagmamatigas sa iyong kapatid ay magdudulot ng mas malalim na hidwaan sa pagitan ninyong dalawa. Lalo na ngayong malalaman mo na mas tinutulungan niya ang iba kaysa sa’yo na alam niyang nasa gitna ng problema.

Masuwerteng numero; 10,11,13,15

KABAYO (HORSE)

Mapagbibintangan ka sa kasalanan hindi mo ginawa. Pero sa halip na komprontahin ang taong puno’t dulo nito ay ipagkikibit balikat mo na lang. Patutunayan mo na lang sa kanila na mali ang kanilang ibinibintang sa’yo.

Masuwerteng numero; 40,41,50,52

TUPA (SHEEP)

Ang araw na ito ay magiging magaan para sa’yo dahil sa sunud-sunod na biyayang matatanggap mo. Pagpapalain ka ng langit dahil alam ng Diyos na marunong kang magbahagi sa iyong kapwa anuman ang iyong matanggap.

Masuwerteng numero; 5,14,27,28

UNGGOY (MONKEY)

Sa kabila ng kamalasang nangyari sa trabaho magmula ng maglockdown ay muling kakatok ang mga bagong oportunidad. Ito ang trabahong matagal mo ng hinihintay at gustong gusto mo kaya magiging komportable ka rito.

Masuwerteng numero; 57,59,60,66

TANDANG (ROOSTER)

Kahit na hindi ka kumilos ngayong araw ay kusang lalapit sa’yo ang suwerte dahil sadyang nakatakda itong dumating at mapasakamay mo ngayon. Kaya naman mag-uumapaw ang iyong kasiyahan sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 4,11,13,25

ASO (DOG)

Magkakaroon ka ng bagong kaibigan at malaki ang maitutulong niya sa’yo sa negosyo na inumpisahan mo. Madali niyang makukuha ang loob mo at tiwala at ito na ang umpisa ng pagkakasundo nyo sa maraming bagay.

Masuwerteng numero; 58,63,64,70

BABOY (PIG)

Sa halip na mabawasan ay madaragdagan pa ang pagkakautang mo sa ngayon dahil sa biglaang pagdating ng isang malaking bayarin. Hindi mo inaasahan na ganito na ito kalaki kaya ikakagulat mo talaga.

Masuwerteng numero; 48,50,51,62

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here