Chinese Horoscope; Hunyo 16

0
443

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magiging maalwan at maaliwalas ang araw na ito para sa’yo. Magtataka ka pero hindi ka na magtatanong kung bakit mananahimik sa tabi mo ngayon ang iyong karelasyon. Ang mahalaga ay nasa tabi mo siya.

Masuwerteng numero; 4,5,16,20

BAKA (OX)

Magiging mailap sa araw na ito ang suwerte. Subalit hindi ibig sabihin ay may dahilan ka na para malungkot . Balanse lang ang positibo at negatibo.  Hindi darating ang inaasahan mong biyaya ngayong araw.

Masuwerteng numero; 15,23,34,37

TIGRE (TIGER)

Isang kaibigan na malapit sa’yo ang hihingi ng iyong tulong. Wala kang maibibigay na tulong sa kanya subalit magiging instrumento ka para makahingi siya ng tulong sa iba. Dapat niya na itong ipagpasalamat sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,29,33,41

KUNEHO (RABBIT)

May pagbabagong magaganap sa iyong routine sa trabaho. Wala kang dapat ikabaha dahil hindi ka naman masyadong maaapektuhan. Kailangan mo lang alalayan ng buong pagmamalasakit ang mga nakakababa sa iyong posisyon.

Masuwerteng numero; 40,43,55,60

DRAGON (DRAGON)

May malilit na problemang susulpot sa araw na ito. Kailangan mo na itong solusyunan habang hindi pa ito lumalaki dahil kapag hindi mo ito binigyan agad ng pansin ay magugulat ka na lang kapag bumulaga ito sa harapan mo sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 14,25,66,70

AHAS (SNAKE)

Mapapatunayan mo ngayon kung sino sa iyong mga kaibigan ang tunay na nagmamalasakit sa’yo at sino ang nanggagamit lang. sa kabila nito, manahimik na lang at huwag nang gumawa ng eksena at least alam mo na ang totoo.

Masuwerteng numero; 22,24,30,44

KABAYO (HORSE)

Sa araw na ito ay kakailanganin mo na habaan ang iyong pasensya at lawakan pa ang pang-unawa para sa isang kaibigan na nalilito at naguguluhan ngayon sa kanyang personal na problema kaya naaapektuhan ang trabaho.

Masuwerteng numero; 8,19,21,23

TUPA (SHEEP)

Mae-excite ka sa balitang matatanggap mo mula sa kamag-anak na nasa malayo. May kinalaman ito sa tao na matagal mo nang gusto. Huwag kang gagawa ng moves, hayaan mo na ang kapalaran ang siyang maglapit muli sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 27,28,38,39

UNGGOY (MONKEY)

Maaamoy mo na ang promosyon sa trabaho sa araw na ito. Huwag kang magbibitaw ng kahit anong salita laban sa iyong mga kasamahan o aaksyon nang hindi naaayon dahil magiging butas ito para sa iyong napipintong promosyon.

Masuwerteng numero; 17,19,30,40

TANDANG (ROOSTER)

Maganda ang magiging mood mo ngayon dahil sa mga komentong maririnig mo mula sa ibang tao. Maganda ang feedback nila sa iyong negosyo kaya naman lalo kang gaganahan na gawin ang iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 34,52,65,69

ASO (DOG)

Magiging panatag ka sa araw na ito dahil makukumpleto ang iyong pamilya sa bahay. Wala kang aalalahanin isa man sa kanila na nasa labas. Ang araw na ito ay mapupuno ng masayang bonding kasama sila.

Masuwerteng numero; 67,68,72,73

BABOY (PIG)

Huwag mong abusuhin ang iyong katawan. Kahit na gustong gusto mong kainin ang isang partikular na pagkain ay kailangan mong pigilan ang iyong sarili alang-alang sa ikakabuti ng iyong kalusugan upang walang pagsisihan sa huli.

Masuwerteng numero; 5,6,9,11

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here