Chinese Horoscope; Hunyo 15

0
351

DAGA (RAT)

Mabibigo ka sa binabalak mong pag-attempt na kausapin ang isang tao na may atraso sa’yo. Mas makakabuti kung pahuhupain mo na muna ang sitwasyon dahil hindi mo siya mapipiga hangga’t naiipit pa siya sa sitwasyon.

Masuwerteng numero; 12,35,44,56

BAKA (OX)

Iwasan mong mag-open ng mga maseselang bagay sa isang bagong kakilala. Hindi ka pa nakakasiguro sa kanyang intensyon kaya’t huwag mo munang ibibigay ang tiwala mo ng 100%. Malaki ang posibilidad na malagay ka sa alanganin.

Masuwerteng numero; 7,18,19,20

TIGRE (TIGER)

Huwag mong kalilimutan ang naitulong sa’yo ng isang malapit na kaibigan. Bagamat hindi ka niya nilalapitan para humingin din ng tulong sa ngayon ay hindi ka na niya kailangan. Puntahan mo siya at kausapin.

Masuwerteng numero; 15,25,30,39

KUNEHO (RABBIT)

Magkakaroon ka ng sablay sa trabaho ngayong araw. Maiipit ka sa sitwasyon na hindi mo gusto. Ang konting pagkakamali mo sa trabaho ay maaaring lumaki at lumala kung hindi mo agad ito bibigyan ng pansin.

Masuwerteng numero; 16,29,33,41

DRAGON (DRAGON)

Kung iniisip mo na mababalewala ang pinaghirapan mo ay nagkakamali ka. Bagamat hindi pa ngayon ang araw na aanihin mo ito ay sigurado naman na sa mga palad mo rin ito babagsak kaya huwag mainip at mairita.

Masuwerteng numero; 14,24,25,35

AHAS (SNAKE)

Mabibilang mo lang sa iyong daliri ang mga kaibigan na mapagkakatiwalaan mo. Pero wala kang dapat ipag-alala kung konti lang sila dahil mas makakabuti ito para sa’yo. Hindi mo kailangan ng marami kung hindi naman tapat sa’yo.

Masuwerteng numero; 9,16,22,30

KABAYO (HORSE)

Plantsado na ang mga plano mo pero may isang magiging sagabal at hindi mo siya mapaghahandaan. Magugulat ka na lang dahil mawawasak ang mga plano mo sa harapan mo dahil sa kanya at wala kang magagawa.

Masuwerteng numero; 9,10,11,13

TUPA (SHEEP)

Hindi uubra sa ngayon ang pagtatampo mo. Wala siyang balak na suyuin ka. Nagsasawa na siya sa drama mo kaya makakabuti kung iibahin mo naman ang iyong style o mas makakabuti kung lalawakan mo na lang ang pang-unawa mo at bawasan ang pagiging matampuhin.

Masuwerteng numero; 5,28,29,40

UNGGOY (MONKEY)

Magiging maayos na rin ang lahat ng pinoproblema mo tungkol sa iyong mga in laws. Kahit pa hindi maayos ngayon ang sigalot sa pagitan nyo at least mawawalan sila ng pagkakataon na pakialaman ka lalo na pagdating sa iyong mga anak.

Masuwerteng numero; 6,8,29,57

TANDANG (ROOSTER)

Babalik ang sigla mo sa dati mong libangan. Matagal ka nang nawalan ng oras para dito dahil sa kaabalahan mo sa trabaho. Ngayon na nagkaroon ka ulit ng oras para dito ay mas magiging aktibo ka at mas magiging mahusay dito.

Masuwerteng numero; 9,12,15,38

ASO (DOG)

Isang kahilingan ang pagbibigyan mo ngayong araw. Kahit alam mo na maaari ka ring kapusin ay hindi mo naman matatanggihan ang tao na pinagkakautangan mo ng loob kaya mas uunahin mo siya kaysa sa’yong pangangailangan.

Masuwerteng numero; 18,23,32,48

BABOY (PIG)

Ikatutuwa mo ang pagdating ng isang kamag-anak. May hatid siyang magandang balita para sa’yo at sa iyong buong pamilya. May kinalaman ito sa lupang pag-aari nyo sa probinsya na sa wakas ay masosolusyunan na rin ngayon.

Masuwerteng numero; 39,1,67,69

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here