Chinese Horoscope; Hunyo 12

0
605

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Makulimlim ang araw mo ngayon dahil sa nararamdaman mong selos. Ang maliit na pagdududa sa iyong puso noong nakaraang araw ay lalaki ngayon dahil sa mga makikita at maririnig mo. Maliban sa pagseselos ay wala ka ng ibang magagawa ngayong araw na ito.

Masuwerteng numero; 5,7,9,12

BAKA (OX)

Hindi mo kailangang magpanggap sa ibang tao. Ang pagtitipon na iyong dadaluhan ay hindi sukatan ng iyong pagkatao. Kumilos ka ayon sa sarili mo at huwag makisabay sa tugtog na hindi mo naman kayang sayawan.

Masuwerteng numero; 15,24,25,50

TIGRE (TIGER)

Sa kabila ng kaguluhan sa problemang iyong mapapasukan ay pipilitin mong maging mahinahon. Mananaig sa’yo ang pagiging kalmado dahil iisipin mo ang kapakanan ng iyong mga anak kaysa anupamang bagay.

Masuwerteng numero; 1,11,13,41

KUNEHO (RABBIT)

Walang makapagpapabago ng isip mo sa kagustuhan mo na maitayo ang negosyo na matagal mo ng gusto. Ngayon na nasa’yo na ang pagkakataon ay hindi mo na ito palalampasin kahit pa marami ang kumontra sa’yo.

Masuwerteng numero; 20,34,37,40

DRAGON (DRAGON)

Minsan ka lang mabo-broken hearted pero labis labis ang sakit na idudulot nito sa’yo. Ngayong araw ay mag-uumpisa ang kalbaryo mo sa pagpasan ng problemang may kinalaman sa pag-ibig. Nasa sa’yo ang desisyon kung agad mo itong wawakasan.

Masuwerteng numero; 7,28,29,43

AHAS (SNAKE)

Hindi mo maiintindihan ang ipapaliwanag sa’yo ng isang tao dahil ang isip at atensyon mo ay nakatuon sa isa na espesyal sa’yo. Kaya naman marami kang pagkakamali na magagawa sa iyong trabaho at mahihirapang kang ayusin ito.

Masuwerteng numero; 16,32,47,48

KABAYO (HORSE)

Sa wakas ay magkakaroon ka na rin ng lakas ng loob na subukan ang mga bagay na matagal mo nang gustong gawin pero hindi mo magawa-gawa dahil may takot sa iyong dibdib. Ngayon ay masusubok mo na ang iyong kakayahan.

Masuwerteng numero; 6,14,27,30

TUPA (SHEEP)

Mapapanatag ka na ngayong araw na ito dahil magpaparamdam na siya sa’yo. Ang pag-aalala at pangamba mo nitong mga nakaraang araw ay mapapawi na rin ngayon at mapapalitan ng saya at kilig sa kanyang pagbabalik.

Masuwerteng numero; 19,28,35,56

UNGGOY (MONKEY)

Makakahinga ka na ng maluwag dahil ang kahilingan mo sa iyong boss ay kanyang mapagbibigyan. Tatanawin mo itong utang na loob kahit pa may kabayaran din ang lahat ng ito. Kakailanganin mong magsipag sa trabaho.

Masuwerteng numero; 12,22,69,70

TANDANG (ROOSTER)

Kukulangin ka ng tiwala sa iyong sarili kaya naman ang tagumpay na inaasahan mo ay hindi pa mapapasaiyo. Kahit gaano ka i-push ng mga taong mahal mo kung ikaw mismo ang aayaw ay wala silang magagawa.

Masuwerteng numero; 7,18,25,26

ASO (DOG)

Huwag kang masyadong umasa sa mga pangako ng iyong karelasyon. Maski siya ay hindi nakakasiguro sa kanyang mga binitawang salita kaya mas makakabuti kung kikilos ka ng sarili at magtitiwala sa iyong kakayahan.

Masuwerteng numero; 9,20,42,51

BABOY (PIG)

Malaki ang posibilidad na mapasubo ka sa away kung isang panig lang ang pakikinggan mo. Bago ka magbitaw ng salita o gumawa ng kahit anong aksyon ay kailangan mo munang siguraduhin ang iyong mga nalalaman.

Masuwerteng numero; 10,13,14,37

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here