Chinese Horoscope; Hunyo 12

271

DAGA (RAT)

Matapos ang ilang araw mong pag-aalala sa isang mahal sa buhay ay magkakaroon ka na rin ng kapanatagan ngayong araw dahil makakasama mo na siya at masisiguro mo na ang mabuti niyang kalagayan.

Masuwerteng numero; 7,19,23,24

BAKA (OX)

Hindi mo man sinasadya ay matatangay ka sa bugso ng iyong damdamin. Masasabi mo ang mga hindi dapat lumabas sa iyong bibig kaya naman pagkatapos ng emosyonal na maghapon ay may pagsisisihan ka sa huli.

Masuwerteng numero; 42,46,49,50

TIGRE (TIGER)

Mapipilitan kang palitan ang nauna mong pasya dahil hindi ito magiging epektibo tulad ng inaasahan mo. Ikokonsidera mo ngayon ang suhestiyon ng isang kaibigan. Susubukan mo ito kahit pa may konti ka ring pag-aalinlangan.

Masuwerteng numero; 25,26,30,31

KUNEHO (RABBIT)

Sa loob ng buong maghapon ay wala kang gagawin kundi pag-isipan ang alok na trabaho ng isang kamag-anak. Hindi mo ito gusto pero kailangang kailangan mo ito sa ngayon na walang malapitan ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 1,13,22,24

DRAGON (DRAGON)

Magiging bahagi ka ngayon ng isang aktibidad na pampamayanan. Hindi mo ito inakala sa buong buhay mo dahil ikaw ang tipo ng tao na hindi mahilig lumabas at makipagkonekta sa iba. Pero magagawa mo ngayon.

Masuwerteng numero; 2,3,15,16

AHAS (SNAKE)

Dahil sa mga magagandang salita na maririnig mo mula sa dati mong kritiko sa iyong buhay ay babalik ang interes mo sa isang proyekto na minsan mo nang binitawan. Siya pa ngayon ang magsisilbing inspirasyon mo.

Masuwerteng numero; 18,19,26,30

KABAYO (HORSE)

Hindi pa ngayon ang araw na makikita mo ang magandang resulta ng negosyong iyong nasimulan. Marami ka pang pagdaraanan na hirap at aberya bago mo maramdaman ang kita at kapakinabangan mo rito.

Masuwerteng numero; 11,22,24,26

TUPA (SHEEP)

Mapapasubo ka sa isang kasunduan na walang kasiguruhan. Biglaan lang ang iyong magiging pagpapasya dahil sa udyok ng iyong mga kaibigan sa trabaho. Dahil abala ka rin sa ibang bagay kaya magpapatangay ka na lang muna sa agos.

Masuwerteng numero; 20,30,44,45

UNGGOY (MONKEY)

Mabibigo ka sa gusto mong mangyari ngayong araw na ito. Pero hindi naman ikaw ang tipo ng tao na madaling sumuko. Hangga’t may bukas pa ay aasa ka pa rin na mangyayari pa rin ang gusto mo. Aasa ka pa rin at maghihintay.

Masuwerteng numero; 10,12,24,25

TANDANG (ROOSTER)

May matutuklasan kang mahalagang bagay tungkol sa isang kamag-anak na yumao. Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung dapat mo ba itong sabihin sa iba o sarilin na lang bilang respeto sa namatay at sa inyong magandang pinagsamahan.

Masuwerteng numero; 7,9,13,14

ASO (DOG)

Marami kang matututunan sa isang bagong kakilala. Pareho kayo ng interes kaya naman magiging interesado ka rin na alamin pa ang maraming bagay tungkol sa kanya at maging isa rin sa mga kaibigan niya.

Masuwerteng numero; 8,20,23,35

BABOY (PIG)

Hindi mo hahayaan na mabalewala ang iyong mga pinaghirapan nitong mga nakaraang buwan. Kaya naman ngayong araw ay sisikapin mo na magkaroon ito ng katuturan at kapakinabangan para sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 50,60,61,64

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here