Chinese Horoscope Hunyo 11, 2021

180

DAGA (RAT)

Kakabugin mo sa talento ang isang kaibigan. Kilala siya ng mga kaibigan nyo sa larangang ito kaya ikagugulat niya ang makikita niyang galing mula sa’yo. Huwag kang matatakot o mahihiya dahil ang talento ay isang biyaya na dapat pagyamanin at ipagmalaki.

Masuwerteng numero; 9,10,12,13

BAKA (OX)

Isang malaking pagbabago sa trabaho ang magaganap. Sa ayaw mo man at sa gusto ay malilipat ka ng pwesto. Hindi mo dapat ito ipag-alala dahil isa itong hamon sa’yo na dapat mong tanggapin para mapatunayan mo sa kanila ang iyong likas na galing.

Masuwerteng numero; 6,7,18,20

TIGRE (TIGER)

Ikakabalisa mo ang hindi pagpaparamdam ng isang tao na mahalaga sa’yo. Mauubos ang buong maghapon mo kakahintay sa tawag at text niya o pm man lang. Pero mabibigo ka lang at madidisappoint sa kanya.

Masuwerteng numero; 4,15,26,30

KUNEHO (RABBIT)

Kukulangin ang oras na igugugol mo sa negosyo kaya mapipilitan kang mag-overtime para dito. Wala ka namang tauhan na maaasahan sa kasalukuyan kaya no choice ka kundi isakripisyo ang iba mo pang oras. Sa pamilya mo rin naman mapupunta ang lahat.

Masuwerteng numero; 1,2,11,22

DRAGON (DRAGON)

Magiging mabilis ang takbo ng oras mo ngayon. Ito ay dahil malilibang ka sa iyong makakasama. Hindi lang siya basta kaibigan sa’yo kundi clown din ang tingin mo sa kanya dahil sa talento niya sa pagpapatawa.

Masuwerteng numero; 3,14,25,29

AHAS (SNAKE)

Aasahan mo ang katuparan ng isang pangako. Huwag kang madidismaya kung hindi man ito magkakaroon ng katuparan. Hintayin mo muna ang kanyang paliwanag bago mo siya husgahan ng hindi maganda.

Masuwerteng numero; 6,18,19,23

KABAYO (HORSE)

Lalapitan ka ng suwerte ngayon dahil sa iyong gagawing pagmamagandang loob. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging humble kahit pa marami ang hindi magtitiwala sa kakayahan mo. Gawin mo lang kung ano ang alam mong tama.

Masuwerteng numero; 1,10,11,13

TUPA (SHEEP)

Iiwasan ka ng isang taong pinagkakatiwalaan mo. Meron siyang dahilan para gawin iyon. Hindi mo pa malalaman sa ngayon pero hindi pwedeng hindi mo ito malaman sa mga susunod na araw dahil hindi ka matatahimik hangga’t hindi mo ito inaalam.

Masuwerteng numero; 9,12,22,27

UNGGOY (MONKEY)

May isang oportunidad ang kakatok sa’yo ngayon. Maganda ang dala nitong pangako kaya naman mae-excite ka. Hindi naman masama kung tatanggapin mo ito huwag mo lang kakalimutan ang isa pang oportunidad na nasa palad mo na ngayon. Hindi mo ito dapat bitawan.

Masuwerteng numero; 3,17,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Magiging abala ka sa mga gawaing bahay. Kaliwa’t kanan ang mga gawaing maiaatang sa’yo. Ikaw lang ngayon ang may third eye, ang tanging makakakita ng mga kalat at mga dapat pang ayusin sa inyong bahay kaya ikaw lang din ang makapagbibigay solusyon dito.

Masuwerteng numero; 3,4,14,26

ASO (DOG)

Mawawala ang galit mo sa isang nakaalitan dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari na magiging dahilan para malaman mo ang katotohanan sa likod ng inyong naging hindi pagkakaunawaan. Tama lang na magkasundo na kayo.

Masuwerteng numero; 1,5,8,10

BABOY (PIG)

Makakagawa ka ngayon ng isang honest mistake. Magiging daan ito para masira ang tiwala sa’yo ng nakatataas. Pero huwag kang mag-alala dahil marami ang magtatanggol sa’yo at hindi mo inaasahan ito, lalo na mula sa isang tao.

Masuwerteng numero; 6,17,18,19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here