Chinese Horoscope Hunyo 10, 2021

205

DAGA (RAT)

Hindi mo man gustuhin ay magkakaroon siya ng lihim na pagtatampo sa’yo. May mga bagay ka kasing magagawa na hindi magiging malinaw sa kanya. Kaya iba ang ipapakahulugan niya dito na magiging dahilan para siya ay magtampo.

Masuwerteng numero; 9,10,12,13

BAKA (OX)

Hindi magiging maayos ang usapan nyo ng isang kaibigan dahil marami ang makikialam. Ang pinaplano nyong negosyo ay madidiskaril dahil sa dami ng boses na inyong pakikinggan. Dapat nyong baguhin ang diskarte kung gusto nyo talagang magtambal sa negosyo.

Masuwerteng numero; 7,18,19,30

TIGER (TIGRE)

Maraming bubuyog sa trabaho ang magnanais na sirain ka. Nakikita kasi nila ang mabilis mong improvement at napag-iiwanan sila sa ere. Hindi sila makakahabol sa’yo dahil sa likas mong galing kaya sisirain ka na lang nila. Mag-ingat at manatiling humble.

Masuwerteng numero; 1,23,24,28

KUNEHO (RABBIT)

Hindi sinasadya ay mapapabayaan mo ang trabaho. Ito ay dahil sa mga personal mong problema na hindi mo maiwan sa bahay. Mas makakabuti kung aayusin mo na ito asap bago pa lumala at mas maapektuhan pa lalo ang trabaho mo.

Masuwerteng numero; 11,13,16,18

DRAGON (DRAGON)

Makakaramdam ka ng boredom. Pagkasawa sa araw-araw mong routine. Kaya naman maghahanap ka ng bagay na makakapagbigay sa’yo ng thrill at excitement. Hindi mo ito matatagpuan sa anumang gawain ngayon kundi sa isang tao.

Masuwerteng numero, 2,4,7,17

AHAS (SNAKE)

Hindi mo inaasahan ang pagbisita ng isang tao na hindi mo pa gaanong kilala kaya makakaramdam ka ng konting takot. Iisipin mo na isa siyang stalker. Pero magkakamali ka dahil ang totoo ay isa siyang business man na gusto kang bentahan.

Masuwerteng numero; 6,8,9,11

KABAYO (HORSE)

Wala kang magagawa sa araw na ito kundi magbabad sa social media. Ito na kasi ang simula ng araw na wala ka ng trabaho. Sa kabilang banda ay magagamit mo rin ang social media sa paghahanap ng bagong mapapasukan.

Masuwerteng numero; 1,2,4,14

TUPA (SHEEP)

Akala mo ay walang silbi sa’yo ang isang kamag-anak. Ngayong araw na ito ay mapapatunayan mo kung gaano siya kahalaga sa’yo. Kakailanganin mo ang tulong niya at hindi ka magdadalawang salita’t tutulungan ka niya.

Masuwerteng numero; 10,17,19,20

UNGGOY (MONKEY)

Makakahanap ka ng panibagong kakampi sa katauhan ng isang dati ng kakilala pero ngayon pa lang napapalapit sa’yo. Napagkakaisahan ka kasi ng inyong mga kapitbahay at siya lang ang nakakaintindi sa’yo at sa pinagdaraanan mo.

Masuwerteng numero; 21,22,26,30

TANDANG (ROOSTER)

Maghanda ka na ng panyo dahil hindi mo mapipigilan ang mapaiyak sa matutuklasan mong lihim. Hindi naman ito ganoon kalala, sadyang mababaw lang ang iyong luha dahil sa mga tao na nagpapaalala sa’yo ng nakalipas.

Masuwerteng numero; 5,19,24,29

ASO (DOG)

Mapipilitan kang ibalik agad ang isang bagay na hiniram mo mula sa isang kamag-anak. Hindi ka kasi manhid para hindi mo malaman na para sa’yo ang patama niya sa kanyang mga post sa social media. Malalaman mo na ang totoong kulay niya.

Masuwerteng numero; 4,8,19,25

BABOY (PIG)

Mauubos ang oras mo ngayon sa paglilibot sa ilang pamilihan at mall. May gusto kang bilhin na hindi mo makikita. Sa halip ay marami kang mabibili na wala sa plano at budget mo kaya asahan mo nang kakapusin ka sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 8,10,13,23

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here