Chinese Horoscope; Hulyo 8

0
456

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Kakailanganin mong mag-isip ng bagong istilo sa negosyo na papatok sa iyong mga customers. Kung hindi mo ito gagawin ay mauungusan ka ng iyong mga kasabayan at maiiwan kang nakatanga sa kangkungan.

Masuwerteng numero; 5,16,27,28

BAKA (OX)

Iwasan ang madalas na pagbabakasakali sa mga bagay at sitwasyon. Mas makakabuti pa rin kung ikaw ay makakasiguro. Matutong magplano kasabay ng pag-aaral sa mga detalye upang ikaw ay magtagumpay sa iyong mga nais sa buhay.

Masuwerteng numero; 11,13,14,21

TIGRE (TIGER)

Mapapadalas ang pakikipag-usap mo sa isang tao na alam mo namang hindi mo dapat kinakausap. Kung hahayaan mo ang sarili mo ay hindi malayong ma-fall ka sa kanya at malagay ka sa kumplikadong sitwasyon na hindi mo rin naman gugustuhin.

Masuwerteng numero; 48,49,55,61

KUNEHO (RABBIT)

Anuman ang sabihin mo sa araw na ito laban o pabor sa iyong kapwa ay magaganap. Malakas ang kapangyarihan ngayon ng iyong dila kaya mag-ingat ka sa mga salitang iyong bibitawan. Manatili pa rin sa panig ng kabutihan.

Masuwerteng numero; 12,23,34,46

DRAGON (DRAGON)

Ikaw yung tipo ng tao na kahit nasasaktan na ay sige pa rin. Dapat mo ring matutunan kung paano bumitaw sa isang sitwasyon na hindi na makakabuti para sa’yo at gayundin sa mga taong nakapaligid sa’yo.

Masuwerteng numero; 30,34,48,67

AHAS (SNAKE)

Ipaglalaban mo ang mahal mo kahit na sa anupamang paraan. Handa kang gawin ang lahat. Pero sa pagkakataon na ito ay makakaramdam ka rin ng takot at kahinaan na gawin iyon dahil na rin sa panlalamig niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,9,10,11

KABAYO (HORSE)

Kung ikaw ang masusunod ay sigurado naman na gagawin mo ang tama para sa iyong trabaho. Subalit minsan ay sadyang hahamunin ka ng tadhana at hindi ka nito bibigyan ng pagkakataon para makisabay ka na lang sa agos.

Masuwerteng numero; 4,12,27,29

TUPA (SHEEP)

Magiging makulay ang araw na ito dahil sa iyong lovelife. Ang kanyang kalambingan ang siyang tutunaw sa iyong puso para magpaalipin sa kanya at ganoon din naman siya sa’yo. Mararamdam mo ang mabuti niyang intensyon.

Masuwerteng numero; 28,34,54,57

UNGGOY (MONKEY)

Maaaring hindi pa ito ang araw ng pag-angat mo sa iyong karera pero malapit nang dumating ang araw na ito kaya ihanda mo na ang sarili mo sa isang tagumpay na ipagmamalaki mo at tatatak sa iyong pagkatao.

Masuwerteng numero; 16,18,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang masyadong ganap sa araw na ito kaya lubus-lubusan ang iyong magiging pahinga. Sa wakas ay makakaramdam ka rin ng tunay na kaginhawahan ng isip at katawan mula sa nakakapagod na trabaho araw-araw.

Masuwerteng numero; 14,15,26,27

ASO (DOG)

Kahit papa’no ay masisilip mo na rin ang resulta ng iyong mga pinagpapaguran. Konting kembot pa at lubusan mo na itong mapapakinabangan. Panatilihin mo lang ang pagkakaroon ng positibong pananaw tungkol dito.

Masuwerteng numero; 37,49,52,65

BABOY (PIG)

Madaragdagan ang raket mo dahil sa isang dating kaibigan na muli mong makakakrus ng landas. Ang hindi inaasahan ninyong pagkikita ay magiging daan para magkatulungan kayo sa isang negosyo na malaki ang posibilidad na pumatok.

Masuwerteng numero; 6,12,24,25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here