Chinese Horoscope; Hulyo 6

247

DAGA (RAT)

Masakit malaman ang katotohanan lalo na kung ito ay nanggaling pa sa iba at hindi sa mismong tao na dapat panggalingan nito. Pero hindi mo mapipilit ang taong ito na aminin ang nagawa niyang pagkakamali sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,9,19,20

BAKA (OX)

Tatanggapin mo ang trabahong inaalok sa’yo hindi dahil sa kailangang kailangan mo ito kundi ito talaga ang uri ng trabaho na gusto mong gawin dahil magaan lang kahit pa may kababaan ang sweldo kumpara sa dati mo.

Masuwerteng numero; 34,35,40,46

TIGRE (TIGER)

Kasasabikan mo ang okasyon na paparating. Kaya naman habang maaga pa ay aasikasuhin mo na ang lahat ng mga kakailanganin dito. Ikaw din ang siyang magiging punong abala sa paghahanda ng sorpresa para sa celebrant.

Masuwerteng numero; 38,39,56,59

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo na maiiwasan ngayon ang iyong pinagkakautangan dahil sa ayaw at sa gusto mo ay magkukrus muli ang landas nyo ngayon. Mas mainam na humingi ng diskargo kaysa magtago para na rin sa ikakabuti ng inyong samahan.

Masuwerteng numero; 57,58,67,69

DRAGON (DRAGON)

May mga pagkakataon talaga na nakakaramdam ka ng kalungkutang hindi mo maipaliwanag. Muli mo itong daranasin sa araw na ito. Hangga’t maaari ay huwag mag-iisa upang hindi ito mauwi sa nakakatakot na depression.

Masuwerteng numero; 13,14,25,26

AHAS (SNAKE)

Magiging maayos ang samahan nyo ng iyong bagong kaibigan. Ito ay dahil makikita mo sa kanya ang mga katangian na tulad sa yumao mong kapatid. Magiging masaya ka na tila nabuhay siya sa pagkatao ng isang kaibigan.

Masuwerteng numero; 30,31,44,45

KABAYO (HORSE)

Kahit na anong kwenta pa at pagba-budget ang gawin mo ay hindi pa rin sasapat ang hawak mong pera ngayon para sa inyong mga pangangailangan. Kakailanganin mo pa rin na maghanap ng ibang sideline na makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,19,26,28

TUPA (SHEEP)

Ang simpleng pakikipag-usap sa isang tao na malapit sa’yo ay maaaring mauwi sa diskusyon. Kaya naman bago pa ito lumala ay ikaw na mismo ang didistansya. Hindi mo rin gusto na maging kaalitan mo siya.

Masuwerteng numero; 11,13,20,21

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka magiging produktibo sa araw na ito. Wala kang magagawa o matatapos na kahit ano dahil pakiramdam mo ay mabigat ang iyong katawan at sinasamaan ka ng pakiramdam subalit ito ay nasa isip mo lang.

Masuwerteng numero; 4,15,16,27

TANDANG (ROOSTER)

Ikaw ang magpapasya kung sino sa iyong mga kaibigan ang papaniwalaan mo tungkol sa isang mahalagang usapin na may kinalaman sa iyong kalusugan. Pero mas mainam mong gawin na komunsulta sa tunay na doktor.

Masuwerteng numero; 10,20,32,34

ASO (DOG)

Isang bagong kakilala ang magiging daan sa araw na ito upang makilala mo rin ang tao na makakatulong sa iyong negosyo. Siya ang magbibigay sa’yo ng idea sa mga dapat mong gawin upang makalapit sa taong ito.

Masuwerteng numero; 14,15,26,33

BABOY (PIG)

May magandang bagay ang mangyayari sa’yo sa araw na ito. Hindi sa labas o sa trabaho kundi sa loob mismo ng inyong tahanan na kinasasawaan mo dahil sa tagal na ng pananatili mo rito mula pa ng magpandemya.

Masuwerte numero; 7,9,19,20

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here