Chinese Horoscope; Hulyo 4

336

DAGA (RAT)

May bago kang maiisip na paraan para malampasan nyo ng iyong pamilya ang krisis na pinagdaraanan ngayon. May kahirapan ito subalit kailangan mo silang makumbinsi na ito lamang ang paraan na nakikita mo.

Masuwerteng numero; 51,56,60,61

BAKA (OX)

Hindi ka magdadalawang isip na tanggapin ang alok sa’yong trabaho ng isang bago pa lang na kakilala. Hindi mo man siya lubos na kilala ay kailangan mong sumugal nang sa gayon ay makaraos ka sa mga gastusin.

Masuwerteng numero; 35,36,40,41

TIGRE (TIGER)

Hindi ka na mabibigla sa pagtanggap mo sa mga bills na kailangan mong pagbayaran. Ini-expect mo na kung gaano ito kalaki. Magpopokus ka na lang sa kung paano mo mababayaran ang mga ito kahit paunti-unti.

Masuwerteng numero; 32,39,49,50

KUNEHO (RABBIT)

Magkakaroon na ng liwanag at pag-asa ang paglipat nyo ng bahay ngayong araw. Sa wakas ay mababawasan na rin ang stress mo tungkol sa inyong matitirhan dahil magkakaroon na ito ng kasiguruhan.

Masuwerteng numero; 18,19,20,21

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo makukuha sa padalos na dalos na pagdedesisyon ang isang mahalagang usapin sa inyong pamilya. Kung nais mo na mangyari ang iyong gusto ay kailangan mong suyuin ang iyong mga kapatid isa-isa.

Masuwerteng numero; 7,18,19,24

AHAS (SNAKE)

Hindi ka madedehado sa iyong mga kaibigan. Iniisip din nila ang iyong kapakanan kaya kailangan mo silang pakisamahang mabuti nang sa gayon ay makita nila na deserving ka sa kung anuman ang nais nilang itulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 40,44,45,48

KABAYO (HORSE)

Isang dating kaklase ang makaka-krus mo ng landas ngayon. Marami kayong mapag-uusapan at isa na roon ang ang tungkol sa negosyong matagal mo na ring gustong simulan na kasalukuyan naman niyang negosyo ngayon.

Masuwerteng numero; 7,9,17,18

TUPA (SHEEP)

Mababawasan ang kumpiyansa mo sa sarili dahil sa paglayo ng isang tao na mahalaga sa’yo. Siya ang palaging umaalalay sa’yo at nagbibigay ng lakas ng loob para magtiwala ka sa iyong sarili at harapin ang mga problema.

Masuwerteng numero; 34,38,39,42

UNGGOY (MONKEY)

Malaki ang maiaambag mo sa uri ng karerang tinatahak mo ngayon. Dahil sa sobrang dedikasyon mo rito ay makakabuo ka ng isang magandang proyekto na hahangaan at mamahalin ng maraming tao kaya kasunod na nito ang pagdiriwang.

Masuwerteng numero; 6,12,13,14

TANDANG (ROOSTER)

Mahihirapan kang harapin ang bagong problema na susulpot sa araw na ito. Wala ka kasing idea kung paano reresolbahin ang ganitong klaseng suliranin. Kakailanganin mo ang tulong ng isang malapit na kamag-anak.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

ASO (DOG)

Mauudlot ang plano mong pagbibigay ng payo sa isang nakababatang kapatid dahil sa hindi nyo pagkakaunawaan ngayong araw na may kinalaman naman sa ibang bagay na labas sa kanyang pinagdaraanan ngayon.

Masuwerteng numero; 13,24,25,30

BABOY (PIG)

Kahit na ano pa ang maging resulta ng isinampa nyong kaso sa isang tao na nagkasala sa inyong pamilya ay mananatili pa rin ang stand mo tungkol dito. Habang ang ibang miyembro ng iyong pamilya ay mananahimik na.

Masuwerteng numero; 5,15,20,25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here