Chinese Horoscope; Hulyo 3

233

DAGA (RAT)

Hindi mo makukuha ang lahat ng gusto mo. Kaya sa araw na ito ay tatanggapin  mo kung ano lang ang mga ninanais mo na mapapasa’yo. Marami ka pa namang magiging option sa mga darating na araw, kailangan mo lang maghintay.

Masuwerteng numero; 8,12,14,15

BAKA (OX)

Mag-ingat sa mga aksidenta sa kalsada, masyado kang malapit ngayon sa disgrasya sa labas. Yung tipong konting pagkakamali ay masasapul ka. Kung maaari lang ay ipagpaliban na muna ang mga lakarin sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 20,30,31,33

TIGRE (TIGER)

Isang mabilisang proyekto ang sisimulan nyo ngayon na kakailanganin nyo ring tapusin ng iyong grupo sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kahit ito ay madalian, kailangan nyo pa ring maipakita ang kalidad ng inyong trabaho.

Masuwerteng numero; 40,45,57,58

KUNEHO (RABBIT)

Malakas ang pwersa ng suwerte na dadapo sa’yo ngayong araw kaya kahit mapalibutan ka pa ng mga negatibong tao ay hindi lilipad mula sa palad mo ang suwerte. Mananatili ito sa iyong kamay mula ngayon at sa susunod pang mga araw.

Masuwerteng numero; 8,9,14,16

DRAGON (DRAGON)

Sa araw na ito ay mare-realize mo na tama ang mga naging pasya mo tungkol sa isang mahalagang usapin sa pamilya na may kinalaman sa inyong kabuhayan. Makikita mo ang magandang bunga nito para sa inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 5,11,13,20

AHAS (SNAKE)

May mapupulot kang aral mula sa isang palabas na mapapanood mo dahil makakarelate ka ng husto rito. May pagkakahawig ito sa tunay mong buhay kaya magkakaroon ka ng ideya kung ano ang dapat mong gawin sa problema mo.

Masuwerteng numero; 7,32,35,49

KABAYO (HORSE)

Hindi mo gustong makaapak ng ibang tao kaya sa ngayon ay mas pipiliin mo na lang muna ang manahimik. Saka ka na lang makikialam kapag hiningi na nila ang opinyon mo. Saka ka na lamang magbibigay ng payo.

Masuwerteng numero; 51,52,66,67

TUPA (SHEEP)

Dahil nasa tabi mo ngayon ang tao na lubos ang tiwala mo kaya lalong lalakas ang loob mo na ipagpatuloy ang nasimulan mong negosyo. Sa pamamagitan niya ay alam mong matutugunan mo ang mga kailangan dito.

Masuwerteng numero; 25,27,34,35

UNGGOY (MONKEY)

Wala ka ng dapat hintayin. Panahon na para kumilos ka sa sarili mong ideya at pagpapasya. Kung hihintayin mo ang isang tao na magdesisyon para sa’yo ay maraming oras at pagkakataon ang masasayang mo.

Masuwerteng numero; 11,13,14,17

TANDANG (ROOSTER)

Kailangan mo ngayong gamitin ang iyong diskarte. May talino ka namang taglay kaya huwag mo itong ipagkait sa sarili mo. Dapat kang maging matalino sa pagdiskarte, hindi pwede ang basta basta lang upang hindi ka pumalpak.

Masuwerteng numero; 30,40,41,42

ASO (DOG)

Wala kang oras na makipagtalo o makipagkomprontasyon sa isang kamag-anak kaya sa araw na ito ay palalampasin mo na lang muna ang kanyang nagawa. Mas pipiliin mo na maging abala sa trabahong kailangan mo.

Masuwerteng numero; 68,69,74,75

BABOY (PIG)

Iba ang magiging timpla ng katawan mo ngayong araw. Hindi mo matiyak kung masama ba talaga ang pakiramdam mo o sadyang tinatamad ka lang kumilos dahil sa sunud-sunod na kamalasan nitong mga nagdaang araw.

Masuwerteng numero; 71,79,80,82

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here