Chinese Horoscope Hulyo 28, 2021

189

DAGA (RAT)

Mawiwindang ka sa mga balitang makakarating sa’yo. Pero hindi ito magandang araw at pagkakataon para sa pakikipagkomprontasyon. Manahimik ka muna at ipagdasal sila. Alam ng Diyos kung paano ka itataas sa oras na ibinaba ka ng iyong kapwa.

Masuwerteng numero; 15,29,30,35

BAKA (OX)

Maaappreciates mo ngayon sa sarili mo ang mga maliliit na bagay na nagagawa sa’yo ng isang malapit na kamag-anak. Maaring hindi mo ito napapansin sa araw-araw subalit malaki ang naitutulong nito sa’yo at ngayon mo ito makikita.

Masuwerteng numero; 10,11,13,25

TIGRE (TIGER)

Kulang pa ang ginagawa mong pagsisikap at pagtitiyaga para sa gusto mong mangyari. Kailangan mo rin unti-untiin na alisin ang iyong bisyo kung talagang may gusto kang ma-achieve. Iwasan din ang pagiging maluho.

Masuwerteng numero; 15,24,33,34

KUNEHO (RABBIT)

Magiging maaliwalas ang araw mo dahil sa iyong mga anak. Sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng inyong pamilya ay magagawa mo pa rin ang tumawa at magsaya dahil sa kanila. Kaya naman ang mabigat na problema ay magiging magaan lamang para sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,16,27,50

DRAGON (DRAGON)

May magpaparinig sa’yo at hindi mo mapipigilan ang sarili mo na magreact. Hindi masamang i-voice out mo ang iyong katuwiran kung alam mo na ikaw ang nasa tama, subalit sa oras na ito ay masabi mo na, maaari mo nang iwasan ang ganitong senaryo at kontrolin ang sarili mo.

Masuwerteng numero; 39,45,46,57

AHAS (SNAKE)

Negative pa ang pinakahihintay mong promosyon sa trabaho. Kakailanganin mo pa ng konting tiyaga at pagsisikap. Bukod dito ay kailangan mo rin na paghusayan pa ang pakikitungo mo sa iyong mga kasamahan dahil kasama sila sa magtataas sa’yo.

Masuwerteng numero; 6,17,24,30

KABAYO (HORSE)

Maganda ang araw na ito para sa’yo. Isang perpektong araw para sa pagbobonding nyo ng iyong mahal. Marami kayong mga bagay na mapag-uusapan na ngayon nyo lang maoopen sa isa’t-isa kaya’t ang araw na ito ay magiging memorable para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 13,40,69,77

TUPA (SHEEP)

May kaalatan man ang araw na ito para sa iyong negosyo ay magiging matamis naman ang araw mo para sa iyong buhay pag-ibig. Mararamdaman mo kung gaano ka niya kamahal sa pamamagitan ng kanyang mga kilos.

Masuwerteng numero; 38,49,60,67

UNGGOY (MONKEY)

Iwasan mong lumingon sa nakaraan. Kung may hindi maganda itong naidulot sa’yo ay huwag mo nang balikan pa. Mas maganda at mas malaki ang posibilidad ng katuparan sa pangakong dala ng kasalukuyan para sa iyong hinaharap.

Masuwerteng numero; 1,3,8,9

TANDANG (ROOSTER)

Isang paghamon ang tatanggapin mo at ito ay may kinalaman sa relasyon nyo ng iyong kinakasama. Hindi ito magiging madali sa’yo pero sa kabilang banda ay mapapatunayan mo kung gaano kahaba ang iyong pasensya at gaano kalaki ang iyong pang-unawa.

Masuwerteng numero; 36,49,55,60

ASO (DOG)

Makakaramdam ka ng panliliit dahil sa mga komentong maririnig mo mula sa ibang tao. Sa halip na ma-down ay gawin mo itong inspirasyon para makabawi ka at maitaas mo ang sarili . Ipakita mo sa kanila na mali sila sa paghusga sa’yo.

Masuwerteng numero; 14,25,61,73

BABOY (PIG)

Dahil sa mga kabiguang napagdaanan mo ay mas matatag ka na ngayon. Huwag mong hayaan na maulit pa ang mga napagdaanan mo na. Iwasan mo ang tao na hindi mabuti ang intensyon sa’yo. Iwasan mo na muling matukso sa iba.

Masuwerteng numero; 19,40,51,57

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here