Chinese Horoscope Hulyo 26, 2021

219

DAGA (RAT)

Buong tiyaga mong hihintayin ang resulta ng isang trabahong inaplayan. Sa kabila ng iyong pagtitiis sa maghapong init sa loob ng antayan ay hindi mo pa rin makukuha ang resulta na gusto mo. Ganyan talaga ang buhay, may panahon na sadyang maalat para sa’yo.

Masuwerteng numero; 14,25,28,30

BAKA (OX)

Kakailanganin mong kumalma ngayon na mahaharap ka sa isang mainit na sitwasyon. Hindi mo madadala sa init ng ulo ang sitwasyon. Sa pagkakataong ito, ikaw ang magiging talunan kahit pa ikaw ang nasa tama. Mas makakabuti na magpalipas muna.

Masuwerteng numero; 8,31,45,56

TIGRE (TIGER)

Huwag mong masyadong apihin ang sarili mo. Kung alam mo nang dehado ka ay matuto ka nang lumaban sa paraan na hindi ka naman makakasakit ng husto. Maaari mo rin itong daanin sa magandang usapan.

Masuwerteng numero; 1,23,21,40

KUNEHO (RABBIT)

Walang masama kung bibigyan mo ng pagkakataon ang iba na makapagsalita at maibahagi ang kanilang nalalaman at kakayahan para sa ikatatagumpay ng mga proyekto nyo sa grupo.Ikaw pa rin naman ang kikilalanin nilang leader.

Masuwerteng numero; 25,33,56,58

DRAGON (DRAGON)

Alam mo na ang sagot sa tanong mo. Ang pag-iwas niya sa’yo ay indikasyon na lumamig na ang dating mainit niyang pagtingin sa’yo. Huwag kang maghabol. Hayaan mo siya sa kanyang gusto at palayain mo na rin ang sarili mo.

Masuwerteng numero; 6,24,58,59

AHAS (SNAKE)

Wala kang mapapala kung palagi mong paiiralin ang init ng iyong ulo. Hindi ito makakabuti para sa’yong negosyo at higit sa lahat ay sa iyong kalusugan. Kumalma muna at mag-isip ng mga paraan na mahinahon.

Masuwerteng numero; 17,22,31,49

KABAYO (HORSE)

Ikaw ang magpapasya kung ano ang mas higit na makabubuti para sa iyong mga anak. Huwag mong hayaan na sa iba sila humingi ng payo at ang ibang tao ang magdikta sa kung ano ang dapat nilang gawin.

Masuwerteng numero; 5,16,18,20

TUPA (SHEEP)

Gawing pantay ang pagtingin mo sa mga bagay bagay na may kinalaman sa iyong pamilya. Iwasan mong mabutasan ka nila dahil sa iyong mga pagpuna at iwasan mo rin na may sumama ang loob sa’yo dahil meron kang kinampihan.

Masuwerteng numero; 11,13,23,76

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang bagong oportunidad na iaalok sa’yo at sigurado na hindi mo ito magagawang tanggihan. Pero mahihirapan kang gawin ito dahil sa sobrang higpit na ng iyong schedule. Kakailanganin mo ng inspirasyon at motibasyon.

Masuwerteng numero; 3,24,33,50

TANDANG (ROOSTER)

Huwag kang manghinayang sa perang lalabas sa’yo ngayong araw na ito dahil babalik naman ito ng doble sa ibang araw. Hindi mo talaga maiiwasan ang gastos ngayon kaya hayaan mo na lang at huwag nang magreklamo.

Masuwerteng nuemro; 12,19,34,51

ASO (DOG)

Mararamdaman mo ang pagpapansin sa’yo ng isang tao. Labis ang paghanga niya sa’yo pero hindi niya ito magagawang i-voice out kaya dadaanin na lang niya sa pagpapapansin at pagpapakitang gilas sa bawat oras na lilipas ngayong araw.

Masuwerteng numero; 4,15,28,47

BABOY (PIG)

Makakatanggap ka ng magandang komento mula sa iyong boss na ikasisiya ng puso mo. Isa itong compliment na gagawin mong inspirasyon sa mga susunod na araw. Panatilihin pa rin ang pagiging humble.

Masuwerteng numero; 35,44,68,69

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here