Chinese Horoscope Hulyo 25, 2021

504

DAGA (RAT)

Patuloy mong mararamdaman ang hirap ng buhay hangga’t hindi mo sinusubukan ang ibang option na pwede mong pagkakitaan. Panahon na upang gumalaw ka mula sa iyong kinalalagyan kung nais mo ng pagbabago.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

BAKA (OX)

Hindi ka mabibigo sa ninanais mo na mangyari ngayong araw. Makikiisa sa’yo ang tadhana sa pagkakataong ito na matagal mo rin namang hinintay. Kaya naman ang buong maghapon mo ay magiging masigla at aktibo.

Masuwerteng numero; 35,36,47,58

TIGRE (TIGER)

May hatid na suwerte ang bukang liwayliway para sa’yo. Kaya naman gaganahan ka sa trabaho at maging sa mga gawaing bahay. Magiging maluwag ang pasok ng pananalapi at wala ring stress sa paligid mo.

Masuwerteng numero; 34,45,54,59

KUNEHO (RABBIT)

Hindi magiging sapat ang tulong na ginagawa mo para sa isang kaibigan. May masasabi at masasabi pa rin siya sa’yo. Gayunpaman, hindi ikaw ang tipo ng tao na palapatol. Mas madalas kang magpasa-Diyos ng mga pagkakamali ng iba sa’yo.

Masuwerteng numero; 12,13,24,25

DRAGON (DRAGON)

Oras na ng pagbangon mula sa ilang buwan mong pagkalugmok bago pa man pumasok ang pandemya. Handa ka ng harapin ang bagong buhay at sisikapin mo na malaking pagbabago ang magaganapat at ito ay pag-angat.

Masuwerteng numero; 10,20,31,37

AHAS (SNAKE)

Natuto ka na sa buhay matapos ang mga pinagdaanang hirap. Mula sa araw na ito ay uumpisahan mo na ang magtabi ng pera para sa hinaharap upang may madukot ka sa oras ng pangangailangan. Wala kang ibang aasahan kundi ang sarili mo.

Masuwerteng numero; 24,44,50,60

KABAYO (HORSE)

Isa na namang panibagong araw ang haharapin mo na wala sa tabi mo ang mga tao na palaging tumutulong sa’yo. Kaya naman mapipilitan ka na muling kumilos para sa’yong pamilya at para na rin sa iyong sarili.

Masuwerteng numero; 14,16,18,19

TUPA (SHEEP)

Hindi ka madedehado sa tao na didikitan mo ngayong araw. Marami kang matututunan mula sa kanya, partikular sa sport na gustong gusto mo. Siya ang tamang tao na dapat mong pakinggan at gawing inspirasyon.

Masuwerteng numero; 6,12,16,26

UNGGOY (MONKEY)

Muli kang kukumbinsihin ng isang kakilala sa isang bagay na dati mo nang tinanggihan. Sa ikalawang pagkakataon ay aayawan mo pa rin ito at dahil sa kakulitan niya ay makakapagsalita ka na ng hindi maganda.

Masuwerteng numero; 40,50,66,67

TANDANG (ROOSTER)

Dahil sa pagiging maawain mo ay muli kang maloloko ng ibang tao. Pero huwag kang mag-alala dahil maganda ang balik nito sa’yo. Naloko ka man ay may mas maganda namang mangyayari sa’yo kaysa sa nanloko sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,4,15,21

ASO (DOG)

Iwasan mo na ang mga pagkain na alam mo namang hindi makakabuti sa’yo. Kahit matagal ka ng hindi sinusumpong ng sakit mo, hindi ibig sabihin ay hindi ka na muling susumpungin. Maging masunurin sa payo ng doktor.

Masuwerteng numero; 8,9,11,13

BABOY (PIG)

May malaking perang padating. Maging positibo upang hindi makontra ang paglapit ng swerte. Mas makakabuti kung iiwasan ang mga negatibong tao nang sa gayon ay hindi ka maimpluwensyahan at hindi madikitan ng malas.

Masuwerteng numero; 5,15,25,37

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here