Chinese Horoscope Hulyo 24, 2021

203

DAGA (RAT)

Magiging mailap ang suwerte sa araw na ito. Kahit na anong gawin mo ay mananatili ang mga lugar, bagay at tao sa mga dapat nilang kalagyan. Walang masyadong paggalaw, ibig sabihin ay walang pagbabago sa iyong daily routine.

Masuwerteng numero; 3,5,16,20

BAKA (OX)

May tao mula sa iyong nakaraan ang bigla na lang susulpot. Aasa ka na may dala siyang malaking pagbabago sa iyong buhay subalit hindi ito mangyayari. Walang magiging epekto ang pagbabalik niya nang biglaan sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 17,25,34,38

TIGRE (TIGER)

May magagawa ka para matulungan ang kaibigan mong nasa alanganing sitwasyon ngayon. Kahit pa may kataasan ang pride niya at wala siyang balak humingi ng tulong ay hindi niya maitatanggi na malaki ang maitutulong mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 5,18,30,56

KUNEHO (RABBIT)

Magiging aktibo sa larangan ng sport. Malaki ang maitutulong nito sa iyong kalusugan. Mababawi mo rin ang lakas ng katawan na nawala sa’yo. Maging masigasig at iwasang magpagambala sa mga taong walang magawa.

Masuwerteng numero; 9,10,11,13

DRAGON (DRAGON)

Isa sa mga nais mong mangyari ang magkakaroon ng katuparan ngayon. Huwag magmadali sa iba pa dahil ang lahat ng bagay at pangyayari ay may kanya-kanyang oras at panahon. Matutong makuntento sa kung ano ang naunang blessing para sa’yo.

Masuwerteng numero; 17,24,39,46

AHAS (SNAKE)

May pagbabagong magaganap sa iyong negosyo. Sa araw na ito ay makikilala mo ang customer na siyang magbibigay sa’yo ng ideya kung paano mo mas higit na mapapaunlad ang iyong negosyo. Walang masama kung susubukan mo ito.

Masuwerteng numero; 7,18,40,52

KABAYO (HORSE)

Ipagkikibit balikat mo  lang ang maririnig mong tsismis mula sa kapitbahay. Ikaw yung tipo ng tao na hindi agad naniniwala sa mga sabi sabi kung hindi ikaw mismo ang makakasaksi. Hahayaan mo lang sila na paniwalaan ang gusto nila.

Masuwerteng numero;12,21,22,34

TUPA (SHEEP)

May pag-asa kang manalo sa isang sugal sa araw na ito. Iwasan mo lamang ang isang tao na manggugulo sa utak mo. May mga uungutin siya sa’yo na magiging dahilan ng kamalasan mo. Magagawa mo pa itong iwasan kung gugustuhin mo.

Masuwerteng numero; 24,29,50,66

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng labis na kapaguran sa trabaho. Kakailanganin mo ng inspirasyon na siyang magpapalakas ulit ng loob mo. Hindi mo alam kung anong pagmumulan ng pagkairita mo sa trabaho sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 27,39,46,58

TANDANG (ROOSTER)

Ipagpaliban mo na muna ang balak mong pagpunta sa malayong lugar para bisitahin ang isang kaibigan. Hindi mo siya matatagpuan doon kahit pa sabihin niya na naroon lamang siya. Mas makakabuti kung sosorpresahin mo siya sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 1,11,72,73

ASO (DOG)

Hindi mo gustong uminit ang ulo mo sa isang kaibigan subalit makakaramdam ka ng hindi maganda sa kanya na feeling mo ay tinraydor ka niya kaya naman deep inside ay mabubuo ang iyong hinanakit. Mas gugustuhin mo pa na iwasan na lang siya kaysa komprontahin.

Masuwerteng numero; 16,23,35,40

BABOY (PIG)

May tao kang makikilala sa araw na ito na magpapangiti sa’yo ng ubod tamis. Iba ang magiging dating niya sa’yo kaya naman makakalimutan mo na taken ka na at magpi-feeling single ka. Mas makakabuti kung iiwasan mo siya hangga’t maaga pa.

Masuwerteng numero; 67,68,69,72

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here