Chinese Horoscope Hulyo 23, 2021

236

DAGA (RAT)

Kakailanganin mong tipirin ang pera na hawak mo ngayon. Maaaring sa pakiramdam mo ay maluwag ka pero ang totoo ay palagi ka pa ring kapos, nagkakataon lang na napapalitan agad ang nagagastos mo. Ngayon mo mararamdaman ang kagipitan kapag walang dumating na kapalit.

Masuwerteng numero; 20,31,44,45

BAKA (OX)

Hindi makakatulong sa’yo ang mga paghihinala mo.Maaari kang gumawa ng sarili mong imbestigasyon o kaya naman ay diretsuhin mo nang kausapin ng masinsinan ang taong pinaghihinalaan mo nang sa gayon ay agad kang maliwanagan.

Masuwerteng numero; 18,21,23,34

TIGRE (TIGER)

Huwag mag-atubiling magbakasakali sa isang bagay na nais mong gawin. Hindi mo malalaman ang kasagutan kung hindi mo susubukan. Maaaring mas higit pa sa inaasahan mo ang kahihinatnan kung ikaw ay magiging positibo tungkol dito.

Masuwerteng numero; 7,13,29,50

KUNEHO (RABBIT)

Makakaramdam ka ng labis na pagkairita sa aso ng inyong kapitbahay dahil sa walang habas nitong pagtahol sa oras ng iyong pagtulog pero hindi mo magagawang magreklamo. Sikapin na maging mahinahon.

Masuwerteng numero; 1,34,40,56

DRAGON (DRAGON)

Magiging magaan ang araw na ito mula pa lang sa umaga dahil masisilayan mo agad ang tao na nagbibigay sa’yo ng inspirasyon. Ang makasama siya sa buong maghapon ay sapat na para maging masaya ang buong araw mo.

Masuwerteng numero; 17,28,47,55

AHAS (SNAKE)

Makakaramdam ka ng pananakit ng katawan dahil sa sobrang pagod. Kakailanganin mo ang pahinga. Huwag mong abusuhin ang iyong sarili dahil mas malaki ang mawawala sa’yo kapag bumigay ang iyong katawan.

Masuwerteng numero; 16,23,59,66

KABAYO (HORSE)

Sa wakas ay makakaramdam ka rin ng kapanatagan dahil sa tawag na matatanggap mo mula sa malayo. Mawawakasan na rin ang labis mong pag-aalala sa isang kamag-anak na nasa malayo at nangangailangan ng atensyon medikal.

Masuwerteng numero; 28,29,40,71

TUPA (SHEEP)

Hindi ka magdadalawang isip na tulungan ang isang kaibigan na may pinagdaraanan ngayon. Maluwag sa’yo ang magiging pagtulong sa kanya dahil minsan na rin siyang nakatulong noong panahon na ikaw ang nangangailangan.

Masuwerteng numero; 5,16,22,30

UNGGOY (MONKEY)

Kakapusin ka sa oras dahil sa dami ng appointment na tatanggapin mo. Bago ka tumanggap muli ay siguraduhin mo muna na may bakante pa sa iyong schedule dahil ikaw rin ang maiipit sa isang  sitwasyon na puno ng pressure.

Masuwerteng numero; 12,32,55,67

TANDANG (ROOSTER)

Isang nakaraan ang magbabalik at mapupuno ng katanungan ang isip mo. May kinalaman ito sa iyong ex. Hindi mo man gustuhin na makita siyang muli ay tadhana mismo ang maglalapit sa inyong dalawa upang mabigyang wakas ang inyong istorya.

Masuwerteng numero; 3,11,31,34

ASO (DOG)

Kakailanganin mong limitahan ang iyong sarili sa mga pagkain at inuming walang sustansya. Malaki ang posibilidad na magdulot ito ng panganib sa iyong kalusugan. Maging mapili at maingat sa mga kakainin upang hindi magsisi sa huli.

Masuwerteng numero; 1,2,85,88

BABOY (PIG)

Huwag pairalin ang pagiging childish. May pagkakataon na kailangan mong maging mature para makapag-isip ka ng tama at akma sa iyong edad. Kung ipagpapatuloy ang katigasan ng ulo ay maaari kang mapahamak.

Masuwerteng numero; 17,28,29,69

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here