Chinese Horoscope; Hulyo 22

1235

DAGA (RAT)

Magiging mailap pa rin ang suwerte sa araw na ito para sa’yo. Sa kabila nito ay meron ka namang matatanggap na tawag na maghahatid sa’yo ng magandang balita kaya kahit papa’no ay mabubuhayan ka rin ng loob.

Masuwerteng numero; 25,26,30,31

BAKA (OX)

Hindi ka magdadalawang isip na tanggapin ang oportunidad na kakatok sa pintuan mo. Kahit may kaliitan ito at hindi ganoon kaganda kumpara sa mga oportunidad na dumating sa buhay mo ay yayakapin mo pa rin ito dahil kailangang kailangan mo.

Masuwerteng numero; 15,17,19,22

TIGRE (TIGER)

Wala kang maaasahan ngayon sa iyong negosyo. Sadyang may katumalan ito ngayon tulad ng mga nakaraang araw. Sa kabila nito ay magtitiyaga ka pa rin at hihintayin ang araw ng muling pagpalo nito sa market.

Masuwerteng numero; 6,10,13,34

KUNEHO (RABBIT)

Maganda ang araw na ito para sa’yo at sa iyong mga mahal sa buhay dahil may malaking biyayang darating para sa inyo. Kaya naman ipagdiriwang nyo ang araw na ito at hindi nyo kakalimutan na mamahagi.

Masuwerteng numero; 6,11,18,23

DRAGON (DRAGON)

Magkakaroon ka ngayon ng malaking pag-asa na makabalik sa trabaho. Hindi dahil sa meron kang padrino kundi dahil may makakapansin ng potensyal mo mula sa mga nasa itaas kaya asahan mo ng ipapatawag ka nila.

Masuwerteng numero; 30,40,47,50

AHAS (SNAKE)

May malaking pagbabago na magaganap sa buhay mo ngayon. Biglaan lang ito kaya hindi mo inaasahan. Isang pangyayari na aakalain mong magdudulot ng hindi maganda pero magandang twist sa buhay mo ang kahihinatnan nito.

Masuwerteng numero; 67,69,70,72

KABAYO (HORSE)

Malayo ang mararating ng naitulong mo sa isang kamag-anak. Ngayong araw ay siya mismo ang magpapakita sa’yo kung ano ang kinapuntahan ng naitulong mo sa kanya at ikakatuwa mo ito at ikagagaan ng iyong pakiramdam.

Masuwerteng numero; 4,10,14,19

TUPA (SHEEP)

Hindi mawawalan ng saysay ang pagtulong na ginawa mo para makatapos sa pag-aaral ang iyong pamangkin. Mararamdaman mo na ngayon ang bunga ng pagsisikap mo para sa kanya dahil hindi siya makakalimot.

Masuwerteng numero; 35,36,39,45

UNGGOY (MONKEY)

May taong lalapit sa’yo para makipagnegotiate. Icoconvince ka na i-showcase ang talent mo. Maganda ang lahat ng sasabihin niya sa’yo kaya maeengganyo ka. Pero mag-ingat at maging mapanuri sa mga susunod na hakbang.

Masuwerteng numero; 13,20,21,33

TANDANG (ROOSTER)

Hangga’t maaari ay iwasan ang madalas na paglabas. Lalo na sa araw na ito na maaari kang mapahamak. Kung may kailangan ka sa labas ngayong araw na hindi naman gaanong importante ay ipagpaliban na lang muna ito.

Masuwerteng numero; 52,53,67,74

ASO (DOG)

Malaki ang magiging pangangailangan mo ngayon sa pera dahil sa sabay sabay na pagdating ng mga bayarin. Madadagdag pa rito ang mga tao na umaasa sa’yo para sa kanilang gastusin kaya hindi mo maiiwasan na ma-stress.

Masuwerteng numero; 7,9,13,15

BABOY (PIG)

Ilang araw ng mailap ang suwerte sa’yo. Pero huwag munang magdamdam dahil sa araw na ito ay hindi na ito masyadong magiging mailap sa’yo. Kahit papa’no ay may mga biyaya ka pa ring matatanggap mula sa langit.

Masuwerteng numero; 18,20,30,36

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here