Chinese Horoscope Hulyo 21

603

Tunghayan ang Chinese Horoscope July 21.

Daga (Rat)

Kung ano ang gusto mo, magagawa mong makuha. Ang kailangan mo lang gawin, magpakahirap na kunin iyon. Kaya, kailangan mong magpakasipag sa’yong trabaho. Daterminado ka dapat para makuha mo ang iyong inaambisyon.

Baka(Ox)

Kapag napasaiyo ang malalaking proyekto, kailangan mong panindigan ‘yan. Kung hindi mo kasi ibibigay ang the best mo, paano matutupad ang iyong mga pangarap? Tiyak na lilipad lang sa kawalan ang mga ‘yan.

Tigre (Tiger)

Hindi mo naman magagawang takasan ang iyong mga problema. Kaya, makabubuting harapin mo na lamang ang mga ito. Kailangan mong maging matapang para magkaroon ka ng maayos na buhay kaya magpakatatag ka.

Kuneho (Rabbit)

Kung nakikita mo ng hindi maganda ang pakiramdam ng iyong asawa, engganyuhin mo siyang magpa-check up. Ito na rin ang tamang pagkakataon para malaman mo kung okay ka rin ba. Pangalagaan mo ang iyong kalusugan.

Dragon

Hindi mo na kailangan pang maghanap, kusa na siyang darating sa buhay mo. Wala ka ng magagawa pa kundi ang i-welcome ka. Ang lucky number mo ay 24.

Ahas (Snake)

Huwag kang masyadong magpakapagod. Kailangan mo ring magpahinga. Alalahanin mo ang mga taong umasa sa’yo kaya intindihin mo rin ang iyong kalusugan. Mas kailangan ka nila kaysa sa perang ibibigay mo sa kanila.

Kabayo (Horse)

Kapag nagpabigla-bigla ka sa’yong pagdedesisyon, papalpak ka. Kaya, mag-isip ka ng mabuti kung nais mo talagang maging maganda ang takbo ng iyong buhay. Mapalad ka sa numero 12.

Tupa(Sheep)

Ano ba ang gusto mong mangyari sa’yong buhay? Tanging ikaw lang kasi ang makasasagot niya. Basta ang dapat mong gawin, gawin kung ano ang sinasabi ng iyong puso. Dahil diyan, ikaw ay magtatagumpay.

Unggoy (Monkey)

Huwag mong ubusin ang iyong lakas sa walang kuwentang bagaay. Ang kailangan mong gawin, ibuhos ang iyong atensyon sa pagkakaroon ng magandang kapalaran.

Tandang(Rooster)

Ang suwerte ay makakamit mo kung magpapakabuti ka. Huwag kang gagawa ng kasamaan sa kapwa mo at sinisiguro ng langit na ikaw ay asenso ng bonggang-bonga. Kung ikaw naman ay magiging pasaway, magkakaroon ka ng miserableng buhay.

Aso (Dog)

Intindihin mo ang mga sinasabi sa’yo ng mga taong nagmamalasakit sa’yo. Huwag mong pakinggan ang mga taong wala naman talagang pakialam sa’yo. Talagang papalarin ka sa kulay puti kaya huwag ka na gagamit ng ibang kulay.

Baboy(Pig)

Lahat naman ng tao ay naghihirap kaya huwag ka naman magpaawa epek diyan. Dapat bawat hamon na dumating sa’yong buhay, tanggapin mo. Dyan kasi, tinitiyak kong magiging maligaya ka.

Salamat sa pagbasa ng Chinese Horoscope July 21.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleKapangyarihan: Magic Levitation
Next article8 Reasons Bakit Hindi Dapat Nagmamadali Magpakasal

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here