Chinese Horoscope; Hulyo 21

DAGA (RAT)

Umiwas muna sa matatamis na pagkain. Hangga’t maaari ay protektahan mo ang iyong kalusugan. Ang sobrang pagkain ng matatamis tulad ng kinakahiligan mo ngayon ay magdudulot ng hindi maganda sa iyong pangangatawan

Masuwerteng numero; 6,16,20,33

BAKA (OX)

Bago ka magpasya ay pag-isipan mo muna itong mabuti. Nasasanay ka na kasi na basta basta ka na lang nagbibitaw ng desisyon at ang ugali mong ito ang siyang maglalagay sa’yo ngayon sa alanganing sitwasyon.

Masuwerteng numero; 15,20,21,24

TIGRE (TIGER)

Maririndi ka sa panunumbat ng kasama mo sa bahay sa araw na ito kaya naman mapipilitan kang lumabas ng bahay at magpalipas na lang muna ng oras sa pinakamalapit na kaibigan na iyong mapupuntahan.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Kaaawaan mo ang isang tao na sa kabila ng pagsisikap sa buhay ay nanatiling hikahos. Kaya naman sisikapin mo na makapagpaabot sa kanya ng tulong kahit sa maliit na paraan lang na makakayanan ng iyong bulsa.

Masuwerteng numero; 8,18,24,26

DRAGON (DRAGON)

Alam mo na marami ka pang pagdaraanan na hirap at pagsubok bago mo maabot ang pinapangarap mong posisyon sa trabaho. Pero ngayon pa lang ay iisa-isahin mo ng alisin ang balakid patungo sa pangarap mong ito.

Masuwerteng numero; 40,50,51,52

AHAS (SNAKE)

Hindi lahat ng nais mo ay ang siyang masusunod. Sa araw na ito ay wala kang magagawa kundi sumunod na lang din sa kagustuhan ng nakararami. Bagamat may pagtutol sa iyong puso’t isipan ay hindi ka na lang kokontra.

Masuwerteng numero; 2,3,14,15

KABAYO (HORSE)

Magiging masakit para sa’yo na tanggapin na mawawalan ka ng trabaho dahil lang sa isang maliit na bagay na hindi kayang palampasin ng mga nasa itaas. Ito ay dahil matagal ka na nilang pinag-iinitan at sasamantalahin nila ang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 67,69,70,73

TUPA (SHEEP)

Wala kang dapat ipag-alala. Kahit na walang kamag-anak ang tumatayo para sa’yo ay marami ka namang kaibigan na siyang handa kang depensahan. Wala kang ibang dapat gawin kundi maging tapat sa kanila upang hindi mawala ang tiwala nila sa’yo.

Masuwerteng numero; 6,10,13,14

UNGGOY (MONKEY)

Mawawalan ka ng respeto sa isang nakakatanda sa’yo dahil kakitiran ng kanyang isip. Gayunpaman, sa halip na patuloy na makipagkomprontasyon ay mas pipiliin mo na lang na dumistansya upang makaiwas sa gulo.

Masuwerteng numero; 20,21,25,27

TANDANG (ROOSTER)

Masaya ang maghapong lilipas dahil kasama mo ang lahat ng miyembro ng inyong pamilya. Wala kayong gagawin sa maghapong ito kundi ang maglibang sa kabila ng mga problemang hinaharap. Pipiliin nyo pa rin na maging masaya.

Masuwerteng numero; 8,11,12,14

ASO (DOG)

Makakaramdam ka ng disappointment dahil mapupurnada ang pag-uwi mo sa iyong bayang sinilangan. Kakambal ng iyong disappointment ang labis na kalungkutan. Sa social media mo lang mahahanap ang konting saya.

Masuwerteng numero; 4,6,8,9

BABOY (PIG)

Huwag magpakasiguro sa iyong kaharap. Sadyang may tao na matamis ang dila. Subalit hindi mo kailangang paniwalaan ang lahat ng kanyang sinasabi dahil malaki ang posibilidad na ikaw ay kanyang malinlang.

Masuwerteng numero; 54,58,65,67

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here