Chinese Horoscope; Hulyo 21

0
785

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo na unawain ang isang taong hindi mo talaga maintindihan. Ang dapat mo lang gawin ay dumistansya muna at bigyan siya ng pagkakataon na makapag-isip. Ganoon ka din.

Masuwerteng numero; 1,3,15,23

BAKA (OX)

May suwerteng hatid ang araw na ito para sa’yo. Magiging maaliwalas ang araw mo mula sa inyong tahanan hanggang sa trabaho. Magaan ang bawat gawaing lilipas sa buong maghapon lalo na sa pagsapit ng gabi.

Masuwerteng numero; 9,10,11,20

TIGRE (TIGER)

Makakaranas ka ng hirap sa sitwasyong kasusuungan mo ngayon. Kakailanganin mong magdesisyon at mamili sa pagitan ng dalawang tao na parehong mahalaga sa’yo. Mahihirapan kang timbangin kung sino ang mas nakalalamang sa’yo.

Masuwerteng numero; 23,34,51,60

KUNEHO (RABBIT)

Huwag kang magpapadalos-dalos ng desisyon lalo na kung ito ay may kinalaman sa iyong relasyon. Palipasin mo muna ang init ng iyong ulo at sama ng iyong loob upang maiwasan ang pagsisisi sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 8,20,44,57

DRAGON (DRAGON)

Makakakilala ka ngayon ng isang tao na magiging kaibigan mo pagdating ng araw. Sa ngayon ay simpleng pag-uusap lang muna ang mamamagitan sa inyo subalit mararamdaman nyo na pareho ang gaan ng loob ninyo sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 3,15,49,52

AHAS (SNAKE)

Hangga’t maaari ay iwan mo na ang init ng ulo mo sa inyong tahanan. Huwag mong hayaan na makaapekto ito sa iyong trabaho. Gayunpaman, kailangan mo itong ayusin sa iyong pag-uwi upang hindi na lumala pa ang problema.

Masuwerteng numero; 1,12,24,25

KABAYO (HORSE)

Isang magandang hakbang ang naisip mo para sa ikabubuti ng inyong kalusugan. Ang pag-eehersisyo kasama ang buong pamilya ay isang nakakatuwa at kapaki-pakinabang na bahagi ng inyong daily routine. Dapat mo itong i-push.

Masuwerteng numero; 7,16,30,41

TUPA (SHEEP)

Maganda ang magiging resulta ng pagiging mapagbigay at matulungin mo sa kapwa. Aanihin mo ang mga papuri hindi lang mula sa iyong mga kaibigan at kapamilya kundi mula rin sa ibang tao na hindi mo kilala.

Masuwerteng numero; 9,31,54,67

UNGGOY (MONKEY)

Kahit papa’no ay makakahinga ka na ng maluwag dahil alam mong malapit nang masolusyunan ang matagal mo ng pinoproblema. Kahit papa’no ay nakasilip ka na ng liwanag at pag-asa kaya’t makakatulog ka na ng mahimbing.

Masuwerteng numero; 35,68,69,70

TANDANG (ROOSTER)

Hindi magiging madali para sa’yo ang magpakumbaba pero handa kang gawin ito at panindigan ang iyong naging pasya. Tama naman ang iyong nais mangyari. Mas mabuti na ang magpakumbaba kaysa makipagmataasan dahil wala kang mapapala.

Masuwerteng numero; 40,42,53,68

ASO (DOG)

Magiging palaisipan sa’yo ang ikikilos ng isang miyembro ng pamilya. Mas makakabuti kung siya ay lalapitan mo at kakausapin ng masinsinan dahil maaring siya ay may dinadalang problema. Huwag magkait ng tulong kung kinakailangan.

Masuwerteng numero; 19,33,42,45

BABOY (PIG)

Hindi mo na maikakaila sa kanya ang iyong tunay na nararamdaman. Hindi mo gusto na maglaho ang pagmamahal mo sa kanya subalit anupaman ang iyong dahilan ay mas makatarungan na ito ay kanya ng malaman.

Masuwerteng numero; 16,30,57,69

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here