Chinese Horoscope Hulyo 20

611

Tunghayan ninyo ang Chinese Horoscope Hulyo 20

Daga (Rat)

Marami ka ng masasamang nagawa sa buhay mo kaya huwag mo na dagdagan pa. Ikaw lang din kasi ang magiging kawawa niyan kaya huwag mo na pahintulutang mangyari iyon.

Baka(Ox)

Sa ayaw mo man o sa gusto, kailangan mong tangapin na kulang ka pa sa karanasan kaya makinig ka muna sa sinasabi ng mga taong tunay na nagmamalasakit sa’yo. ‘Yan naman ay kung talagang gusto mong magkaroon ka ng magandang buhay.

Tigre (Tiger)

Huwag mo na sisihin ang ibang tao kapag ikaw ay nagkamali. Kailangan mong tanggapin na ikaw naman talaga ang namali ng diskarte sa buhay. Kaya sa susunod, mag-isip kang mabuti bago ka kumilos.

Kuneho (Rabbit)

Santambak na basura ang nasa harapan mo ngayon. Hindi mo nga lang nakikita sapagkat ang mga basurang tinutukoy ko ay nakatago sa’yong dibdib. Sana naman ay itapon mo na ang lahat ng iyan dahil ikaw din naman ang mahihirapan.

Dragon

Hindi maaaring sa isang iglap ay masusunod ang gusto mo. Matuto ka rin kasing maghintay. Kung hindi mo gagawin ‘yan, ikaw din ang magiging kaawa-awa. Mapalad ka sa numero 15 at kulay orange.

Ahas (Snake)

Dapat ay alam mo kung ano ang ipa-priority mo sa’yong buhay. Mahirap kasi iyong hindi mo tinututukan ang mga bagay na dapat mong pag-ukulan ng pansin.

Kabayo (Horse)

Nakaka-excite talaga ang pagtanaw sa bagong umaga. Ibig kasing sabihin niyan ay may pagkakataon ka na naman para gawin mo ang mga pinapangarap mo. Kailangan mo rin siyempreng itama ang mga maling nagawa mo sa’yong buhay.

Tupa(Sheep)

Kung magpapakatamad ka, walang mangyayari sa buhay mo. Ang kailangan mong gawin ay bumangon para magawa mo kung ano ba ang makabubuti para sa’yo. Masuwerte ka sa numero 6.

Unggoy (Monkey)

Masarap sa pakiramdam kung ibabahagi mo rin sa ibang tao ang mga suwerteng ibinibigay sa’yo ng langit. Dahil sa kabutihan mo, asahan mong dodoble pa ang mga biyaya.

Tandang(Rooster)

Huwag mong kalilimutang tuparin ang mga pangako na binitawan mo. Kung hindi mo kasi ito paninindigan, siguradong ikaw din ang mahihirapan dahil may kaparusahan kang matatangap. Huwag mong gustuhin na mangyari iyon.

Aso (Dog)

Ipayapa mo ang kalooban mo. Kailangan mo rin siyempreng pangalagaan ang iyong sarili. Baka naman kasi kapag nagtrabaho ka nang nagtrabaho ay magkasakit ka naman. Kaya, easy lang. May bukas pa naman. Kailangan mo ring matulog at kumain ng masusustansya.

Baboy(Pig)

Maging masaya ka lang at dadagsain ka ng suwerte. Kung ganoon, lahat ng alalahanin ay itaboy mo na sa’yong isipan. ‘Yan kasi ay magkakaroon ng negatibong epekto para makuha mo ang mga mahahalaga sa’yong buhay. Tulad na lamang ng pangarap at ang taong mahal mo.

Salamat sa pagbasa ng Chinese Horoscope June 20.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articlePahula Hulyo 20: Paraan para lumago ang negosyo
Next articleAng Advantages at Disadvantages ng Online Dating

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here