Chinese Horoscope; Hulyo 2

184

DAGA (RAT)

Mapapaisip ka sa magiging sitwasyon mo ngayon kung saan ka nga ba nagkamali sa mga naging desisyon mo. Ngayon mo makikita ang hindi magandang resulta nito sa buhay mo at apektado pati ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 6,16,20,21

BAKA (OX)

Muli kayong magkakaayos ng iyong kaibigan ngayong araw. Siya na mismo ang mauunang magpakumbaba sa’yo dahil kung ikaw ang hihintayin niya ay alam niyang hindi mo gagawin. Kilala mo rin ang sarili mo.

Masuwerteng numero; 30,31,33,40

TIGRE (TIGER)

Ang takot mo sa hindi magandang pakiramdam ay mawawala na rin sa wakas ngayon dahil kahit papaano ay makakaramdam ka na ng buti sa katawan. Ipagpapatuloy mo pa rin ang pagpapabuti sa iyong kalusugan.

Masuwerteng numero; 7,17,20,22

KUNEHO (RABBIT)

Makakaramdam ka ng katamaran ngayong araw dahil sa nagdaang pagod nitong mga nakaraang araw kaya naman pagbibigyan mo ang sarili na makapagpahinga muna bago sumabak ulit sa malakasang trabaho.

Masuwerteng numero; 8,19,25,28

DRAGON (DRAGON)

Hindi pa ito ang tamang panahon para ibigay mo ang hinihiling ng isang katrabaho. Kailangan mo muna siyang kilalanin na mabuti bago mo siya bigyan ng pabor na hindi basta basta upang hindi ka magsisi sa huli.

Masuwerteng numero; 40,44,50,55

AHAS (SNAKE)

Makakalaban mo sa isang kompetisyon ang isang kaibigan na pinagkakautangan ng loob kaya naman magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung itutuloy mo pa ang pagsali sa kompetisyon o maggigive way ka na lang.

Masuwerteng numero; 20,30,45,46

KABAYO (HORSE)

Magiging malaking bagay para sa’yo ang konting tulong na matatanggap mo mula sa isang malayong kamag-anak. Ipagpapasalamat mo na hindi man kayo malapit sa isa’t-isa ay naalala pa rin niya kayong tulungan.

Masuwerteng numero; 14,15,17,19

TUPA (SHEEP)

Mag-aadjust ka ngayon sa trabaho. Sa ayaw at sa gusto mo ay ikaw ang gagawa ng hakbang at paraan upang makasunod ka at hindi mapag-iwanan ng iyong mga kasamahan. Kung hindi mo ito gagawin ay ikaw din ang kawawa.

Masuwerteng numero; 9,10,11,12

UNGGOY (MONKEY)

May pagbabagong magaganap sa pakikitungo sa’yo ng isang tao na mahalaga sa’yo. Wala kang ideya kung ano ang maaaring nagawa mo o nasabi na hindi niya nagustuhan kaya naman magiging palaisipan ito sa’yo hanggang sa susunod na araw.

Masuwerteng numero; 14,20,25,27

TANDANG (ROOSTER)

Makikita mo na rin sa wakas ang magandang resulta ng pinaghirapan mo sa loob ng ilang buwan. Ngayong araw ay aanihin mo ang bunga ng iyong labis na pagtitipid. Dahil dito ay makakaramdam ka ng kagaanan.

Masuwerteng numero; 8,18,30,40

ASO (DOG)

Muli kang magbabalik tanaw sa mga nangyari noong nakaraang taon at pakakaisipin mo kung paano nagsimula ang problemang hinaharap mo ngayon dahil umaasa ka na makakaisip ka ng solusyon mula rin sa pinagmulan nito.

Masuwerteng numero; 50,51,55,60

BABOY (PIG)

May bago kang ideya na malalaman mula sa isang kaibigan sa online, tungkol ito sa negosyo na lakas loob mong pinasok. Sa ideyang matutuklasan mo, sa iyong palagay ay malaki ang maitutulong nito upang umangat ang iyong business.

Masuwerteng numero; 61,63,75,77

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here