Chinese Horoscope; Hulyo 16

213

DAGA (RAT)

May masaya at malungkot na pangyayari ngayong araw pero mas malamang ang saya kaya wala kang dapat ipag-alala. Gawin mo lang lagi ang alam mong tama at kung may pagdududa ka ay huwag mahihiyang magtanong sa iba.

Masuwerteng numero; 5,6,8,19

BAKA (OX)

Hindi mo kailangang magpaapekto sa opinyon ng iba tungkol sa problemang kinakaharap mo. Mas makakabuti kung magpopokus ka sa paghahanap ng solusyon. Makakasagabal lamang sa’yo ang pakikinig sa hindi magaganda nilang komento.

Masuwerteng numero; 11,20,22,34

TIGRE (TIGER)

Walang mawawala kung susubukan mo ang isang bagay kung sa tingin mo ay makakatulong ito sa’yo ng malaki. Kung magkamali ka ay wag kang magsisi dahil at least sinubukan mo kaysa habambuhay itong maging palaisipan sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,10,13,15

KUNEHO (RABBIT)

Maiipit ka sa isang commitment na dati mo ng natanguan at ngayon lang magkakaroon ng development. Dahil nakapirma ka na rito ay mahihirapan kang basta na lang ito iwanan. Marami ka pang kakailanganing ayusin para pormal mo itong mabitawan.

Masuwerteng numero; 3,4,16,18

DRAGON (DRAGON)

Iwasan na laging nagpapadala sa bugso ng damdamin. Ipapahamak ka lang nito at posibleng ilagay sa pangmatagalan na hindi magandang sitwasyon. Ayaw mo naman itong mangyari kaya dapat mong kontrolin ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 50,51,54,60

AHAS (SNAKE)

Malaking bagay para sa iyong pamilya ang gagawin mong pagdedesisyon. Maganda ang inaasahan nilang ibubunga nito kaya naman huwag kang magdalawang isip para sa kanila. Sila ang dapat mong maging prayoridad.

Masuwerteng numero; 34,36,40,49

KABAYO (HORSE)

Maging alisto sa lahat ng oras. Mawiwindang ka sa oras na malaman mo na naisahan ka ng isang tao na hindi mo pa gaanong kilala. Pakaingatan din ang mga valuable na gamit dahil malaki ang posibilidad na ikaw ay mawalan.

Masuwerteng numero; 15,20,23,25

TUPA (SHEEP)

Wala kang dapat ipag-alala dahil kahit pa kapusin ka sa budget ay makaka-survive ka pa rin. Sa oras na wala ng laman ang wallet mo ay may darating na biyaya para muli itong mapunan. Magtiwala ka lang sa Diyos.

Masuwerteng numero; 54,56,67,69

UNGGOY (MONKEY)

Makakasiguro ka na magiging maganda ang araw na ito para sa’yo. Dahil sisimulan mo ang umaga ng magandang ngiti at magandang pananaw kaya ang lahat sa iyong paligid ay magiging positibo maging sa pananalapi.

Masuwerteng numero; 13,23,40,50

TANDANG (ROOSTER)

Walang maaaksayang oras para sa’yo sa araw na ito dahil maaga pa lang ay makakatapos ka na ng mga gawaing bahay. Dahil dito ay magkakaroon ka pa ng sapat na oras para sa iba pang kapaki-pakinabang na gawaing pansarili.

Masuwerteng numero; 20,25,30,31

ASO (DOG)

Ikatutuwa mo ang pagkakaroon ng mabilisang pera. Pero panandalian lamang ang katuwaang ito dahil kung gaano ito kabilis lumapat sa palad mo ay ganoon din ito kabilis na mawawala dahil sa dami ng iyong bayarin.

Masuwerteng numero; 40,50,51,63

BABOY (PIG)

Dahil ikaw na ang pinakamatanda ngayon sa miyembro ng inyong pamilya na nasa iisang bahay ay ikaw na ang siyang masusunod sa mga pagdedesisyon. Kaya ang bawat gagawing pagpapasya ay kailangan mong pag-isipan ng mabuti.

Masuwerteng numero; 6,7,17,19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here