Chinese Horoscope; Hulyo 14

1
819

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi magiging kalabisan kung magtatanong ka tungkol sa mga bagay na nais mong malaman. Mas makakabuti kung dadaanin mo sa diplomasya ang lahat kaysa sa init ng ulo. Malalaman mo rin ang sagot kung magkakalakas ka ng loob.

Masuwerteng numero; 6,12,23,34

BAKA (OX)

Ang bawat salitang bibitawan mo ay tatatak sa isip ng isang tao na makakausap mo sa araw na ito. Kaya naman maghinay hinay ka at pag-isipan muna ang mga sasabihin bago ito pakawalan sa iyong bibig upang walang pagsisihan.

Masuwerteng numero; 5,13,20,26

TIGRE (TIGER)

Magagamit mo ngayon ang tamis ng iyong dila sa iyong negosyo. Magiging madali lang para sa’yo ang akitin ang mga customers para maging suki mo. Mag-ingat lang, dahil hindi lahat ay good customers, meron ding pasaway.

Masuwerteng numero; 15,23,56,67

KUNEHO (RABBIT)

Maiibsan ang lungkot na nararamdaman mo sa pagdating ng isang bisita. Maaaliw ka sa kanyang mga kuwento kaya naman pansamantala mong malilimutan ang mga problemang sanhi ng iyong mga alalahanin sa ngayon.

Masuwerteng numero; 6,12,20,30

DRAGON (DRAGON)

Iba ang ihip ng hangin sa pagitan nyo ngayon ng isang tao na nakasamaan ng loob. Tila bulang maglalaho ang mga kinikimkim ninyong galit sa isa’t-isa dahil sa isang sitwasyon na pareho ninyong kasusuotan sa ngayon.

Masuwerteng numero; 17,31,40,55

AHAS (SNAKE)

Kakailanganin mong kumalma sa gitna ng isang mainit na sitwasyon. Sa ayaw at sa gusto mo ay kasama ka sa gulo.Ang pangyayaring ito ay magdudulot sa’yo ng malaking aral at gayundin sa mga taong parte nito.

Masuwerteng numero; 18,29,30,31

KABAYO (HORSE)

Paiiralin mong muli ang pagiging praktikal sa mga bagay bagay kahit pa ito ay importante. Mas gusto mong bigyan ng halaga ngayon ang kinabukasan kasya sa kasalukuyan kaya naman isasantabi mo muna ang mga luho na iyong kinasanayan.

Masuwerteng numero; 7,12,13,14

TUPA (SHEEP)

Isang kaibigan ang lihim na sasama ang loob sa’yo dahil sa hindi magandang salita na hindi mo sinasadyang mabitawan. Hindi na ito lalala pa kung matututo kang magpakumbaba at ayusin na lang ang problema.

Masuwerteng numero; 43,52,66,74

UNGGOY (MONKEY)

Patuloy pa ring dadagsa sa iyong harapan ang mga oportunidad. Tanggapin ang lahat ng iyong makakaya. Kung sa tingin mo naman ay hindi mo na ito magagampanan, hayaan mo na lang na lumampas at mapunta sa iba.

Masuwerteng numero; 9,25,26,29

TANDANG (ROOSTER)

Pagtutuunan mo ngayon ng pansin ang iyong kalusugan. Marami na ang nakakapansin at makakapansin pa sa hindi magandang hubog ng iyong pangangatawan. May dahilan ito na dapat mong malaman at solusyunan.

Masuwerteng numero; 35,58,59,70

ASO (DOG)

Maging aware sa mga tao sa paligid mo ngayon. May mga makakasalamuha ka na may hindi magandang intensyon. Panatilihin mo lang ang pagiging positibo at ang pagkakaroon ng good vibes upang kusang umalis ang negatibong enerhiya na nagtutulak sa masasamang tao.

Masuwerteng numero; 65,71,80,89

BABOY (PIG)

Mawawala na rin ang alalahanin mo sa isang bagay na may kinalaman sa iyong trabaho. Ang mabigat na responsibilidad ay aalisin na sa balikat mo at ililipat sa iba. Magiging madali ang bago mong task subalit huwag kalimutang tumulong sa iba pang kasamahan.

Masuwerteng numero; 3,26,49,50

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here