Chinese Horoscope; Hulyo 14

253

DAGA (RAT)

Simplehan mo lang ang pagdadala sa problema upang hindi ka gaanong mahirapan at mabigatan sa pagpasan nito. Makikita mo ngayon kung paano mag-effort ang mga tao sa paligid mo para matulungan ka.

Masuwerteng numero; 6,16,20,23

BAKA (OX)

Magiging masaya ang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya dahil sa wakas ay matutuloy na rin ang family bonding na matagal nyo ring namiss mula pa nang mag-umpisa ang pandemic. Susulitin nyo sa saya ang araw na ito.

Masuwerteng numero; 5,15,17,19

TIGRE (TIGER)

Sa kabila ng iyong pangamba ay ipagpapatuloy mo pa rin ang pagpasok sa trabaho. Kahit pa hirap ka rin sa transportasyon ay hindi ka pwedeng sumuko dahil alam mo ang kakaharapin ng iyong pamilya sa oras na bumitaw ka.

Masuwerteng numero; 24,28,30,31

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mawawalan ng saysay ang matagal mo ng pagsisikap sa iyong trabaho dahil sa araw na ito ay tatanggapin mo na ang promosyon na iyong pinakahihintay. Makukuha mo na rin ang pagkilala na gusto mo.

Masuwerteng numero; 7,17,20,23

DRAGON (DRAGON)

Kung meron ka mang dapat iwasan sa iyong mga kaibigan, iyon ay kung sino ang laging naghahatid sa’yo ng hindi magandang balita tungkol sa iba. Kung hindi mo siya iiwasan ay mahahawa ka sa kanyang kanegatibuhan.

Masuwerteng numero; 3,4,5,16

AHAS (SNAKE)

Huwag mong madaliin ang isang bagay na hindi pa hinog. Kung ipipilit mo na ito ay agad mapitas, magsisisi ka lang sa bandang huli dahil ikaw din ang mahihirapang mag-adjust. May kinalaman ito sa iyong pag-ibig.

Masuwerteng numero; 30,40,45,56

KABAYO (HORSE)

Huwag ng magpatumpik tumpik pa. I-grab mo na ang oportunidad hangga’t ito ay nasa iyo pang harapan. Makinig sa sariling instinct dahil kung mas pakikinggan mo ang opinyon ng iba ay maaari ka lang magkamali.

Masuwerteng numero; 64,68,70,76

TUPA (SHEEP)

Ayon sa kasabihan, minsan lang kumatok ang oportunidad. Pero ang mangyayari sa’yo ngayon ay kakaiba. Babalik ang oportunidad na dati ng kumatok sa’yo at hindi mo pinagbuksan. Sa pagkakataong ito ay aangkinin mo na ito.

Masuwerteng numero; 41,43,47,59

UNGGOY (MONKEY)

Mabibigla ka dahil yung akala mo na wala ng pag-asang mangyari ay magkakaroon ng kaganapan ngayon. Mapapasa’yo na rin ang isang bagay na matagal mo ng pinaka-aasam asam kaya maaari ka ng magdiwang.

Masuwerteng numero; 12,13,15,25

TANDANG (ROOSTER)

Sa wakas ay makakatisod ka na rin ng trabaho sa daan. Isang dating kakilala ang makakasalubong mo at makakakuwentuhan. Siya ang tao na makapagbibigay sa’yo ng trabaho na matagal tagal ding naging mailap sa’yo.

Masuwerteng numero; 43,50,60,61

ASO (DOG)

Ikaw ang magpapasya kung ano ang dapat gawin sa isang miyembro ng pamilya na naliligaw ng landas. Pero mahihirapan kang gawin ito dahil magtatalo sa loob mo ang awa at pagmamahal sa kanya laban sa kanyang maling gawa.

Masuwerteng numero; 48,52,63,74

BABOY (PIG)

Mapipilitan kang ibenta ang isang bagay na mahalaga sa’yo dala ng labis na kagipitan. Ayaw mo man na mawala ito sa’yo ay kakailanganin mo pa rin itong pakawalan para lamang maka-survive kayo ng iyong pamilya sa hirap ng buhay.

Masuwerteng numero; 30,31,42,59

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here