Chinese Horoscope; Hulyo 13

808

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Mabibigyan ka ngayon ng pagkakataon ng iyong mahal na ipaliwanag ang iyong nararamdaman tungkol sa kanyang naging pagpapasya. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin para higit ka niyang maunawaan.

Masuwerteng numero; 18,20,32,35

BAKA (OX)

Sikapin mo na huwag makagasta para sa mga bagay na hindi mo pa naman kailangan sa ngayon. May pinagkakagastusan kang mas importante at dapat mong ipokus dito ang iyong budget upang hindi ka kapusin.

Masuwerteng numero;18,20,55,67

TIGRE (TIGER)

Kahit sino pa ang tanungin mo ay walang makakasagot sa tanong mo. Tanging ikaw lang dahil ikaw lang ang nakakaalam sa kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari sa loob ng inyong tahanan na hindi mo naman sinasabi sa mga taong kinokonsulta mo.

Masuwerteng numero; 12,31,42,50

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ikaw ang magdadala ng bigat sa dibdib kaya huwag mong masyadong pag-ukulan ng atensyon at panahon ang taong puno ng galit sa kanyang puso. Sapat na ang mga pabor na ibinigay mo sa kanya at hayaan mo na siyang magdesisyon para sa sarili niya.

Masuwerteng numero; 1,13,14,69

DRAGON (DRAGON)

Bawat segundong lilipas ay magiging mahalaga para sa’yo sa araw na ito kaya’t isantabi mo muna ang mga bagay na makakasagabal sa’yo tulad ng pagbababad sa social media. Ituon mo muna ang buong atensyon mo sa mahalagang gawain.

Masuwerteng numero; 9,30,44,56

AHAS (SNAKE)

Isang magandang pagkakataon ito para magbiyahe. Gaano man kalayo ang gusto mong tahakin ay walang makakahadlang sa aliwalas ng paligid mo. Magaan ang lahat at maluwalhati kang makakarating sa lugar na pupuntahan mo.

Masuwerteng numero; 17,22,23,38

KABAYO (HORSE)

Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.Kaya kahit ano pang init ng ulo ng iyong mahal ay mapapawi mo rin ito. Iwasan mo lang na magbanggit pa ng mga bagay na alam mo namang ikakainit pa ng kanyang ulo .

Masuwerteng numero; 20,37,45,48

TUPA (SHEEP)

Never surrender. Iyan ang motto mo ngayon kaya sige lang, gawin mo ang mga gusto mong gawin na makapagpapaangat sa’yo sa kabila ng mga hadlang na nasa harapan mo ngayon. Tibay at lakas ng loob ang kailangan mo.

Masuwerteng numero; 10,11,23,54

UNGGOY (MONKEY)

Hindi magiging maganda ang pakiramdam mo. Makakaranas ka ngayon ng sakit ng ulo at pananakit ng katawan. Kailangan mong ipahinga ang iyong sarili kung ayaw mo na mas matagal pa ang ipahinga mo. Health is wealth.

Masuwerteng numero; 6,21,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Huwag kang matakot na harapin ang problema mo ngayon.Hindi ka nag-iisa. Marami sa iyong mga kamag-anak at kaibigan ang handang umalalay sa’yo. Masuwerte ka at marami sila na nagmamahal sa’yo.

Masuwerteng numero;45,58,59,77

ASO (DOG)

Huwag ka munang gagalaw hangga’t wala pang utos mula sa itaas sa inyong trabaho. Kung susundin mo ang udyok ng mga nasa paligid mo ay ikaw lang ang mapapahamak habang ang mga nag-uudyok sa’yo ay mananatili sa kanilang pinagkukublihan.

Masuwerteng numero; 19,20,55,61

BABOY (PIG)

Kung masyado ng masakit bumitaw ka na. Hindi mo naman kailangang higpitan pa ang iyong kapit sa tao na hindi na rin nakakapit sa’yo. Mahuhulog kang mag-isa sa balon ng kalungkutan kung hindi ka mag-iisip ng tama.

Masuwerteng numero; 15,24,35,40

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here