Chinese Horoscope; Hulyo 13

235

DAGA (RAT)

May hatid na kaba sa’yo ang araw na ito dahil ngayon ka mahuhusgahan sa iyong gawa. Sa araw na ito mo malalaman ang resulta. Magdiwang ka na dahil ang iyong kaba ay mapapawi at mapapalitan ng saya at excitement.

Masuwerteng numero; 6,8,9,19

BAKA (OX)

Madudurog ang puso mo sa balitang magdadaan sa newsfeed mo. Kaya naman sa araw na ito ay mas pipiliin mo na lang na mag log out muna sa social media at magpokus sa sariling buhay upang hindi malungkot.

Masuwerteng numero; 13,20,25,27

TIGRE (TIGER)

Kakailanganin mong mag-iba ng diskarte kung nais mo na magbalik ang suwerte mo sa negosyo. Huwag ka ng manggaya sa style ng iba dahil bentang benta na ito sa maraming customers kaya’t hindi na mapapansin ang sa’yo.

Masuwerteng numero; 60,69,75,78

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo maaalintana ang pagod at hirap na hinaharap mo ngayon dahil nakatingin ka sa magiging resulta nito sa hinaharap. Ito ang gusto mong pagtuunan ng pansin kaya ipagpapatuloy mo lang ang pagsisikap.

Masuwerteng numero; 8,28,30,33

DRAGON (DRAGON)

Makakatulong ang pagdadalawang isip mo para makaiwas ka ngayon sa tiyak na kapahamakan. Kung basta ka na lang sasagot ng oo ay malaki ang posibilidad na mahulog ka sa bitag kaya mainam talaga ang nag-iisip muna ng mabuti.

Masuwerteng numero; 11,13,20,21

AHAS (SNAKE)

May magandang plano kang mabubuo ngayong araw tungkol sa ikauunlad ng inyong kabuhayan. Pero wala kang balak na agad agad itong ipaalam kung kani-kanino kahit sa sarili mong pamilya. Gusto mo na masorpresa sila.

Masuwerteng numero; 52,53,60,65

KABAYO (HORSE)

Maraming beses mo ng pinag-isipan ang tungkol sa negosyo na matagal mo ng gustong simulan. Ngayong araw na ito sa wakas ay magdedesisyon ka na rin na umpisahan ito sa tulong ng iyong mahal sa buhay.

Masuwerteng numero; 1,2,4,7

TUPA (SHEEP)

Hahabulin mo ngayon ang oportunidad na minsan mo ng inayawan noong kumatok ito sa iyong pintuan. Pero wala ka ng magagawa para mahabol ito dahil masyado na itong malayo sa’yo at may iba na ring nakikinabang.

Masuwerteng numero; 32,34,40,47

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo maiiwasan ang isang tao na nagpipilit ngayong pumasok sa buhay mo. Kahit ayaw mo sa kanya ay nakatakda siyang maging bahagi ng iyong buhay dahil may mahalaga siyang gagampanan kahit bilang iyong kaibigan lang.

Masuwerteng numero; 45,50,58,59

TANDANG (ROOSTER)

Mahalagang malaman mo ang isang usapin na may kinalaman sa iyong pamilya. Kahit pa hindi ikaw ang magdedesisyon sa usaping ito ay dapat pa ring alam mo ang nangyayari tungkol dito. Iyan ang igigiit mo ngayon.

Masuwerteng numero; 15,20,15,28

ASO (DOG)

Kahit na gaano katagal ang ilagi mong oras sa trabaho ay hindi ka makakaramdam ng pagod o pagkasawa sa iyong ginagawa dahil inspirado ka ngayon. May tao kasing nagpapasaya sa’yo na nasa paligid mo lang.

Masuwerteng numero; 5,16,17,30

BABOY (PIG)

Kakailanganin mong magtipid ngayon ng doble pa sa ginagawa mo na talagang pagtitipid. Ito ay dahil sa paglobo ng iyong mga napending na bayarin. Kung hindi mo ito didiskartehan ay ikaw din ang mahihirapan.

Masuwerteng numero; 14,20,22,33

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here