Chinese Horoscope; Hulyo 11

0
823

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi magiging madali ang pakikisamang gagawin mo sa mga bagong kakilala. Pero wala kang mapagpipilian kundi sila ay harapin at pakibagayan. Hindi naman ibig sabihin na magiging sunud-sunuran ka na lang.

Masuwerteng numero; 16,23,26,28

BAKA (OX)

Ikaw pa rin ang kikilalaning lider ng inyong grupo sa kabila ng gulo na kasasangkutan mo. Dahil ikaw pa rin ang pipiliin nila, kailangan mong patunayan na tama ang kanilang desisyon. Ibalik mo ang tiwala nila sa’yo.

Masuwerteng numero; 9,10,13,30

TIGRE (TIGER)

Isang katangian ng iyong kapareha ang ngayon mo pa lang matutuklasan. Ikagugulat mo ito dahil hindi mo inaasahan na may angkin siyang talento na gaya nito. Ipagmamalaki mo ito sa lahat ng inyong mga kakilala.

Masuwerteng numero; 17,22,34,45

KUNEHO (RABBIT)

Magiging magaan ang pasok ng pera subalit sa kabila nito ay isang katrabaho ang iyong makakatampuhan na may kinalaman din sa pera. Huwag nang palalain ang sitwasyon kung kaya naman itong masolusyunan kaagad.

Masuwerteng numero; 33,35,56,78

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo pa maisasakatuparan sa target mong araw ang binabalak mong negosyo. Sa ngayon ay mas kakailanganin mo munang pag-ukulan ng atensyon ang iyong pamilya bago ang lahat. Pag-ukulan mo sila ng panahon kahit saglit sa isang araw.

Masuwerteng numero; 16,20,54,66

AHAS (SNAKE)

Malalagay ka ngayon sa isang sitwasyon na masusubukan ang iyong katatagan bilang isang kaibigan. Hindi mo maiiwasan na manimbang sa mga pangyayari subalit sa huli ay mananaig pa rin sa’yo ang pagiging isang tunay na kaibigan.

Masuwerteng numero; 7,8,10,19

KABAYO (HORSE)

Hindi lahat ng tungkol sa’yo at sa mga bagay na ginagawa mo ay maiintindihan ng mga taong nakapaligid sa’yo. Kaya huwag kang magfocus sa kanila. Mas kailangan mong pagtuunan ng pansin kung ano ang nagpapasaya sa’yo.

Masuwerteng numero; 5,17,65,67

TUPA (SHEEP)

Magkakaroon kayo ng silent war ng iyong mahal. Wala isa man sa inyo ang mangangahas na mag open up tungkol sa bagay na hindi nyo pinagkakaunawaan kaya ang silent war ay mananatili sa pagitan nyo hangga’t walang naglalakas ng loob na pag-usapan ito.

Masuwerteng numero; 2,11,24,25

UNGGOY (MONKEY)

Kahit na sa pakiramdam mo ay wala ng pag-asa na mapansin ka pa ng taong lihim mong minamahal, hindi mo inaasahan ang magiging pagkilos ng tadhana para kayo ay paglipitin at malaki ang magiging tsansa na magkaroon kayo ng malalim na ugnayan sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 54,60,71,82

TANDANG (ROOSTER)

Isang kamag-anak mula sa malayo ang lalapit sa’yo para humingi ng tulong. Hindi ka magdadalawang isip na iabot ang iyong makakayanan. Hindi dahil sa kung anupaman kundi dahil likas sa iyong pagkatao ang pagiging matulungin.

Masuwerteng numero; 9,29,31,37

ASO (DOG)

Lapitin ka ngayon ng mga taong may hindi magandang intensyon. Iwasan ang makipagkuwentuhan sa mga tsismosa at magbitaw ng mga mahahalagang impormasyon lalo na kung may kinalaman sa iyong buhay pag-ibig.

Masuwerteng numero; 16,19,21,22

BABOY (PIG)

Mag-ingat sa kalyeng iyong daraanan. Malapit ka ngayon sa disgrasya. Mas makabubuti kung mananatili ka na lang muna sa loob ng inyong tahanan at palipasin ang hindi magandang araw sa paglabas upang makaiwas sa kapahamakan.

Masuwerteng numero; 4.15,17,28

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here