Chinese Horoscope; Hulyo 10

221

DAGA (RAT)

Magkakaroon ka ng kalayaan ngayon na sabihin ang nais mong sabihin sa isang tao tungkol sa isang mahalagang usapin na may kinalaman sa proyekto na inyong pagsasamahan. Mapag-uusapan nyo ito ng mabuti.

Masuwerteng numero; 17,20,22,24

BAKA (OX)

Wala kang ibang intensyon kundi ang makatulong sa isang kaibigan. Pero sa halip na makatulong ang payo na ibibigay mo ay mamasamain pa ito ng isang tao na malapit din sa kanya kaya pipiliin mo ang dumistansya.

Masuwerteng numero; 8,9,10,13

TIGRE (TIGER)

May hatid na suwerte ang sasalubunging umaga. Kaya magiging maganda ang mood mo sa mga unang oras ng iyong araw. Pero bago matapos ang maghapon ay makakatanggap ka ng isang balitang hindi mo magugustuhan.

Masuwerteng numero; 6,16,30,34

KUNEHO (RABBIT)

Magiging malaking bagay para sa’yo ang konting tulong na makukuha mo mula sa isang tao na kilala sa inyong lugar. Ang kagandahan ng kanyang loob ay tatatak din sa isip mo dahil bihira sa inyong lugar ang may ganitong kalooban.

Masuwerteng numero; 57,59,60,62

DRAGON (DRAGON)

Mapipilitan kang bitawan ang isang proyekto alang-alang sa pinagsamahan nyo ng isang kaibigan sa trabaho. Hahayaan mo na lang na sa kanya ito mapunta dahil alam mong mas karapat dapat ito sa kanya kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,20,25,31

AHAS (SNAKE)

Mapapahanga ka sa talento ng isang tao na makikita mo sa social media kaya magiging inspirasyon siya sa’yo. Pag-iisipan mo rin na tularan ang kanyang kakayahan dahil may pitak sa puso mo ang kanyang ginagawa.

Masuwerteng numero; 13,14,24,19

KABAYO (HORSE)

Mawawalan ka ng ganang gawin ang libangan mo sa araw na ito dahil wala na ang iyong katandem dito. Mababalot ng lungkot ang buong maghapon at wala kang magagawa kundi idalangin na agad itong lumipas.

Masuwerteng numero; 5,16,20,25

TUPA (SHEEP)

Isang kamag-anak ang malalagay sa panganib at mamamalagi sa ospital kaya naman ang buo ninyong pamilya ay mapupuno ng kalungkutan. Lahat kayo ay mag-aabang sa mga susunod na pangyayari sa bawat oras na lilipas.

Masuwerteng numero; 3,5,7,9

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng excitement sa araw na ito dahil sa isang oportunidad na inaasam mong masungkit. Bagamat wala pa ito sa iyong mga kamay at wala pang kasiguruhan ang lahat ay hindi mo pa rin mapipigilan ang excitement.

Masuwerteng numero; 32,33,40,41

TANDANG (ROOSTER)

Ngayon mo lang maiintindihan ang mga mensaheng nais ipahatid sa’yo ng isa sa mga nakatatandang kapatid. Pero hindi pa huli ang lahat dahil may pagkakataon ka pa na itama anuman ang iyong naging pagkakamali.

Masuwerteng numero; 46,49,55,65

ASO (DOG)

Hindi man buo ang lakas at tiwala mo sa iyong sarili ay malalampasan mo pa rin ang pagsubok na hinaharap. Mahihirapan kang paniwalaan pero makakayanan mo na mag-isang  lutasin ang iyong problema.

Masuwerteng numero; 24,30,39,40

BABOY (PIG)

May malaking aral kang matututunan sa araw na ito tungkol sa pagiging isang anak. Kaya naman mapapaisip ka kung naging mabuti ka nga bang anak o hindi. May panahon ka pa para ipakita ito sa iyong mga magulang.

Masuwerteng numero; 4,11,12,13

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here