Chinese Horoscope; Hulyo 1

163

DAGA (RAT)

May mangyayaring maganda ngayon na hindi mo inaasahan. Puno ka kasi ng stress nitong mga nagdaang araw kaya naman hindi mo na inaasahan pa ang magagandang bagay  na maaaring dumating sa’yo.

Masuwerteng numero; 11,12,14,25

BAKA (OX)

Mahihirapan kang kontrolin ang sarili mo sa pagkain. Lalo pa ngayon na kasama mo na ulit sa bahay ang asawa mo na walang intensyon kundi ang ipagluto ka ng masasarap na pagkain at hindi ka magutom kahit saglit.

Masuwerteng numero; 60,69,70,72

TIGRE (TIGER)

Mababawasan na rin sa wakas ang mga alalahanin mo dahil may maiisip ka ng solusyon sa problemang matagal ng gumugulo sa isip mo at nagpapahirap sa kalooban mo. Ngayon ay magkakaroon ka na rin ng kapanatagan kahit papa’no.

Masuwerteng numero; 20,22,33,45

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ka mawawalan ng kumpiyansa sa iyong sarili kahit pa maraming tao ang magdown sa’yo ngayong wala silang mapala sa’yo. Gayunpaman, mananatali pa ring buo ang tiwala mo sa sarili mo kahit na ano pang mangyari.

Masuwerteng numero; 6,16,20,30

DRAGON (DRAGON)

Madaragdagan ang kaibigan mo sa araw na ito dahil sa kagandahang loob na ipapakita mo. Ang kabutihang ipinapakita mo sa kapwa ay bukal sa iyong loob, ramdam nila ito kaya aani ka talaga ng mga bagong kaibigan.

Masuwerteng numero; 35,40,45,50

AHAS (SNAKE)

Mapapadalas ang paglabas mo ngayon dahil sa negosyong pinili mo. Wala kang ibang maaasahan na magdedeliver nito kaya solong katawan mong gagawin ang lahat ng proseso mula sa simula hanggang sa paghahatid nito sa mga customers.

Masuwerteng numero; 3,5,7,9

KABAYO (HORSE)

Mabibigyan ka ng pagkakataon na makausap ang isang malayong kaibigan. Pero sa halip na maging masaya ka ay makakaramdam ka lang ng inis dahil wala siyang magiging bukambibig kundi ang kanyang problema.

Masuwerteng numero; 7,17,20,21

TUPA (SHEEP)

May bagong proyektong kang matatanggap mula sa bago mong boss. Hindi mo alam kung ikakatuwa mo ito o hindi. Dahil hindi ito ang proyekto na inaasam mo at may kahirapan ito para sa tulad mong baguhan.

Masuwerteng numero; 9,19,32,34

UNGGOY (MONKEY)

Isang malaking oportunidad ang kakatok sa’yo at mahihirapan kang tanggihan ito. Subalit magkakaroon ka ng pagkalito dahil hindi mo rin naman magagawang iwanan ang kasalukuyan mong trabaho ngayon dahil sa utang na loob.

Masuwerteng numero; 15,20,23,25

TANDANG (ROOSTER)

Maiipit ka ngayon sa isang sitwasyon na pinakaiiwas-iwasan mo. Pero wala ka ng magagawa, sa pagitan ng iyong malapit na kamag-anak at malapit na kaibigan ay kakailanganin mong mamili ng iyong kakampihan.

Masuwerteng numero; 1,2,13,14

ASO (DOG)

Pansamantala kang magiging panatag ngayon sa piling ng iyong mga mahal sa buhay dahil wala sa inyo at hindi mo makakasama ang tao na madalas magpasakit ng ulo mo. Kung pwede nga lang ay hindi na siya bumalik sa inyo pero bahagi na rin siya ng pamilya.

Masuwerteng numero; 54,55,60,61

BABOY (PIG)

Ang inaasam mong paglipat ng tirahan ay hindi pa mangyayari ngayon. Kahit inip na inip ka na at gustong gusto mo ng umalis sa kasalukuyang bahay ay wala kang magagawa kundi maghintay pa ng ilang araw.

Masuwerteng numero; 30,40,41,48

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here