Chinese Horoscope; Enero 9

0
273

DAGA (RAT) Walang patutunguhan ang mga pag-aalala mo kung sasarilinin mo lang ito. Maari kang kumonsulta sa mga tao na maalapit sa’yo at sa tingin mo ay mapagkakatiwalaan mo. Kung sasarilinin mo ang lahat ay madedepress ka lang. Masuwerteng numero; 1,3,6,8

BAKA (OX) Hindi mo magugustuhan ang iaasta ng isang kaibigan. Sa tingin mo ay lalabis na ang kanyang pakikialam sa problema ninyong dapat ay pangpamilya lang. Pero hindi mo siya mapipigilan lalo pa at marami siyang kakampi na miyembro ng iyong pamilya. Masuwerteng numero; 6,7,12,13

TIGRE (TIGER) May magbubukas na pintuan para sa’yo. Maganda ang iaalok nito sa’yo. Kung tutuusin ay hindi mo na kailangang pag-isipan pero pag-iisipan mo pa rin dahil may mga mahahalagang bagay kang isasaalang-alang. Masuwerteng numero;9,10,15,23

KUNEHO (RABBIT) Magiging maganda ang araw na ito para sa’yo kung hindi ka aalis ng bahay. Kailangan mong hintayin ang pagdating ng isang bisita na makakatulong para masolusyunan ang problema mo sa iyong binabalak na negosyo. Masuwerteng numero; 10,11,21,27

DRAGON (DRAGON) Mailap man ang suwerte mo ngayon sa iyong career ay mabait naman sa’yo ang kapalaran pagdating sa larangan ng pag-ibig. Mananatili siya sa tabi mo at kahit anong gawin ng iba ay mananatili pa rin siyang loyal sa’yo. Masuwerteng numero; 7,18,20,30

AHAS (SNAKE) Papaboran ka ng tadhana tungkol sa usapin na may kinalaman ang iyong mga anak. Alam ng Diyos ang mabuti mong intensyon kaya naman kahit hindi ka gumalaw ay kusang papanig sa’yo ang pwersa ng kabutihan. Masuwerteng numero; 6,17,18,19

KABAYO (HORSE) May hatid na kilig ang araw na ito dahil nasa mood maglambing ang iyong mahal. Iwasan mo lang ang magbanggit ng usapin tungkol sa pera dahil magiging dahilan ito para masira ang mood nyo pareho at mauwi sa hindi magandang conversation. Masuwerteng numero; 8,19,23,25

TUPA (SHEEP) Isang sikreto ang hindi sinasadya mong masasabi sa isang kaibigan. Wala naman siyang kinalaman sa sikretong ito pero malaki ang posibilidad na makarating ito sa taong involved sa pamamagitan niya. Kaya umiwas ka na hangga’t may pagkakataon pa. Masuwerteng numero; 6,8,16,22

UNGGOY (MONKEY) Makakagawa ka ng pagkakamali sa trabaho kaya makakaramdam ka ng pagkabahala. Subalit ang pagkakamaling ito ay agad mo rin namang maitatama kaya naman maisasalba mo rin ang iyong araw dahil sa iyong likas na katalinuhan. Masuwerteng numero; 1,2,11,24

TANDANG (ROOSTER) Mababawasan ang iyong pag-aalala sa isang kamag-anak na maysakit dahil makakarating sa’yo ang mabuti na niyang kalagayan. Gayunpaman ang pagsulpot ng maliliit na problema sa inyong tahanan ang siya namang magdudulot sa’yo ng panibagong alalahanin. Masuwerteng numero; 4,15,19,29 ASO

(DOG) Sa araw na ito ay magiging maayos ang pag-uusap nyo ng isang nakaalitan. Ma-rerealize mo na isang magandang komunikasyon lang pala ang kailangan upang matuldukan ang matagal nyo nang hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng numero; 1,11,12,28

BABOY (PIG) Mahalaga ang opinyon mo sa iyong kapareha. Kaya naman hindi siya magdedesisyon hangga’t hindi niya naririnig mula sa bibig mo mismo ang iyong opinyon tungkol sa isang mahalagang bagay na may kinalaman sa inyong pagsasama. Masuwerteng numero; 1,4,14,25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here