Chinese Horoscope; Enero 8

0
198

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magiging responsable ka sa resulta ng isang hindi pagkakaunawaan sa pamilya. Para sa’yo ay hindi na kayo mga bata para harapin pa ang kaguluhan sa paraang para kayong nag-aagawan ng laruan at tsokolate.

Masuwerteng numero;8,10,11,20

BAKA (OX)

Hindi mo maiiwasan ang pagdating ng isang problema ngayon. Maliit lang naman ito subalit ang malaking bagay na ikakagulat mo ay ang tao na pagmumulan ng problemang ito. Siya ang huling taong inaasahan mo na hindi gagawa ng gulo.

Masuwerteng numero; 7,11,21,22

TIGRE (TIGER)

Magiging desidido ka na magbawas ng iyong timbang. Ito ay dahil sa isang tao na nagbibigay sa’yo ngayon ng inspirasyon. Dahil sa kanya kaya ikaw ay magiging determinado na tuparin ang iyong new year’s resolution.

Masuwerteng numero; 1,3,4,7

KUNEHO (RABBIT)

Sa araw na ito ay madadala ka ng iyong emosyon. Susubukan mo itong paglabanan subalit mananaig ang mararamdaman ng puso mo kaya naman malalagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo gusto. Hindi mo pa ito masosolusyunan sa ngayon.

Masuwerten numero; 5,16,17,20

DRAGON (DRAGON)

Magiging masaya ang araw na ito para sa’yo at sa pamilya mo. Ang nakaraan ninyong get together ang simula ng pagkakalapit nyo sa isa’t-isa. Isa lang ang araw na ito sa mga sunod-sunod pang magagandang bonding nyo sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 3,7,9,10

AHAS (SNAKE)

Mapipilitan kang isuko ang iyong damdamin sa tao na pinakamamahal mo. Kahit alam mong nasa kanya ang pagkakamali ay hindi mo pa rin siya magagawang talikuran. Sa ngayon ay siya ang dahilan ng iyong mga ngiti.

Masuwerteng numero; 8,19,20,30

KABAYO (HORSE)

Maganda ang iyong ipapakitang performance sa trabaho. Lahat halos ng iyong kasamahan ay mapapabilib mo, maliban sa isang tao. Siya ang tao na hindi mo lang kasama sa trabaho kundi kasama mo rin sa buhay at mawawalan ka ng panahon sa kanya.

Masuwerteng numero; 5,8,19,23

TUPA (SHEEP)

May pagbabagong magaganap sa pakikitungo nyo sa isa’t-isa ng iyong mahal. Ang dahilan nito ay ang nakaraang hidwaan ng inyong mga kamag-anak. Sa ayaw nyo at sa gusto ay madadamay kayo dahil sila ay kapamilya nyo.

Masuwerteng numero; 17,21,24,25

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang araw mo ngayon. Ito ay pasisiyahin ng mga kaibigan mong bihira mong makita. Sila ang tipo ng mga kaibigan na pang minsanan lang pero walang katumbas ang kasiyahan na kaya nilang ibigay sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 6,18,28,29

TANDANG (ROOSTER)

Mahihirapan kang makabawi sa negosyo ngayon. Maraming negatibong elemento ang nakapaligid sa’yo. Pero hindi ka dapat masyadong mag-alala dahil isa lang naman ang araw na ito sa mga araw pang susunod na higit na maganda kaysa ngayon.

Masuwerteng numero; 1,13,14,27

ASO (DOG)

Isang tao ang hindi mo inaasahang magpapakita sa’yo ng concern. Masyado siyang mailap na tao para sa’yo at ganon din sa mga kaibigan mo. Pero sa pagkakataong ito ay makikita mo ang maganda niyang kalooban para sa’yo.

Masuwerteng numero; 12,15,17,18

BABOY (PIG)

Hindi ka sanay na nang-aamo ng isang tao na nagkaroon ng pagtatampo sa’yo. Pero sa araw na ito ay masusubukan ang haba ng iyong pasensya at pagmamahal sa kanya. Magdedesisyong kang gumawa ng paraan para maalis ang tampo niya.

Masuwerteng numero; 9,10,11,26

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here