Chinese Horoscope; Enero 7

0
322

DAGA (RAT)

Sa wakas ay mararamdaman mo rin ang halaga mo sa iyong minamahal. Hindi niya ito madalas gawin pero ngayong araw ay mag-eeffort siya para mapasaya ka. Deep inside ay labis mo itong ikatutuwa kahit pa ayaw mong ipahalata sa kanya.

Masuwerteng numero; 1,12,20,22

BAKA (OX)

Makakatulong ka sa isang kamag-anak sa isang paraan na hindi mo sinasadya. Dahil dito ang loob ng iyong mga kapamilya ay mas lalo pang mapapalapit sa’yo. Isang get together ang paplanuhin ng isang kamag-anak na sasang-ayunan mo.

Masuwerteng numero; 5,16,17,19

TIGRE (TIGER)

Magbabalak ka ng isang paglalakbay. Subalit ang tao na gusto mong makasama ay walang available na oras para sa araw na ito. Kaya naman pag-iisipan mong mabuti kung sino sa iyong mga kaibigan ang aayain mo.

Masuwerteng numero; 9,10,15,20

KUNEHO (RABBIT)

Magkakatotoo ang iyong instinct tungkol sa isang maselan na usapin. Pero sa halip na makipagdayalogo ay pipiliin mo ang manahimik dahil ito ang payo ng iyong pamilya. Ang payo nila ay para na rin sa ikabubuti mo kaya susundin mo sila.

Masuwerteng  numero; 3,6,18,30

DRAGON (DRAGON)

Isang kapitbahay ang magpapalapad ng papel sa’yo. Sa araw ding ito ay malalaman mo ang dahilan. Ikaw ang magpapasya kung ipagpapatuloy mo ang pakikipaglapit sa kanya sa kabila ng iyong malalaman mula sa iba mo pang kapitbahay.

Masuwerteng numero; 8,19,22,23

AHAS (SNAKE)

Magiging malapit ka ngayon sa isang kaibigan na dati mong nakatampuhan. Sa araw na ito ay mapapatunayan mo na hindi naman pala siya tulad ng iyong hindi magandang pagkakakilala sa kanya noong una.

Masuwerteng numero; 7,18,29,30

KABAYO (HORSE)

Susuwertehin ka ngayon sa pagtitinda. Kahit anong ibenta mo online man o sa harapan ng inyong bahay ay papatok sa araw na ito. Samantalahin mo na ang pagdaan ng magandang pagkakataon dahil makakatulong ng malaki ang kikitain mo para sa’yong mga anak.

Masuwerteng numero; 6,23,25,27

TUPA (SHEEP)

Hindi mo maiiwasan ang pagseselos ng iyong kapareha dahil sa sobrang atensyon na ibibigay mo sa isang malapit na kaibigan. Hindi ito dahil sa wala siyang tiwala sa’yo kundi dahil wala siyang tiwala sa iyong kaibigan.

Masuwerteng numero; 10,11,24,30

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang performance na ipapakita mo sa trabaho kaya naman ikatutuwa ito ng nakatataas. Pag-iisipan niya ngayon na bigyan ka ng mas maganda at mas malaki pang proyekto sa hinaharap kaya sikapin mo na huwag masisira ang tiwala niya.

Masuwerteng numero; 1,3,6,9

TANDANG (ROOSTER)

Mahahalata mo ang pagbabago ng isang kakilala sa pakikitungo niya sa’yo. Pero ipagwawalang bahala mo ito dahil maraming mas mahalagang bagay kang iniisip kaya wala kang panahon na pag-isipan ang dahilan ng kanyang pagbabago.

Masuwerteng numero; 7,18,20,22

ASO (DOG)

Mapipilitan kang gawin ang isang bagay na ayaw mo dahil ang humihingi sa’yo ng pabor ay importanteng tao para sa’yo. Hindi naman masama ang magpakumbaba lalo na kung ito ay magdudulot naman ng maganda sa inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 9,10,11,12

BABOY (PIG)

Mailap sa’yo ang suwerte sa araw na ito pero wala kang dapat ipag-alala dahil nakadistansya din sa’yo ang kamalasan. Kaya ang araw mo ay magsisimula at matatapos sa isang simple at pangkaraniwang maghapon.

Masuwerteng numero; 7,8,19,27

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here