Chinese Horoscope; Enero 6

0
343

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Malilimitahan ang iyong paggalaw dahil sa mga taong may maduming pag-iisip. Ang bawat kilos at salita mo ngayon ay kanilang oobserbahan. Hindi mo man gustong magpaapekto pero hindi mo maiiwasan ang maapektuhan.

Masuwerteng numero; 7,8,12,13

BAKA (OX)

Hindi mo matitiis ang isang taong malapit sa puso na mangangailangan ng iyong tulong. Kahit pa marami kayong hindi magandang pinagdaanan at maraming bagay kayong hindi napagkasunduan ay iiral pa rin sa’yo ang kabutihan ng iyong loob.

Masuwerteng numero; 1,12,23,24

TIGRE (TIGER)

Isang magandang pagkakataon ito para bisitahin ang isang malayong kamag-anak. Marami kang magagandang bagay na matutuklasan at mula sa kanya ay marami kang matututunan na gawain at adhikain.

Masuwerteng numero; 2,6,7,9

KUNEHO (RABBIT)

Kakailanganin mong isantabi ang iyong sama ng loob sa isang kapamilya. Alang-alang ito sa iyong kapareha. Kailangan mong maipakita sa kanya ang respeto mo sa mga taong mahal din niya upang hindi na lumala pa ang hindi magandang sitwasyon sa pagitan ninyo.

Masuwerteng numero; 4,7,19,20

DRAGON (DRAGON)

Kaiinipan mo ang pagdating ng isang kaibigan. Excited kang makita at makausap siya dahil medyo matagal na rin mula nang huli kayong magkasama. Ang plano mo para sa inyong bonding ay mangyayari lahat.

Masuwerteng numero; 9,10,12,23

AHAS (SNAKE)

Makakasalubong mo ang masuwerteng tao na makakatulong sa problema mo. Bagamat hindi siya ang mismong sagot sa problema mo ay taglay naman niya ang lucky charms na maghahatid sa’yo sa solusyong hinahanap mo.

Masuwerteng numero; 1,11,29,30

KABAYO (HORSE)

Isang pangyayari ang magbibigay sa’yo ng lakas ng loob para ipaglaban ang iyong nararamdaman. May ibang tao pa na darating sa hinaharap para patibukin ang iyong puso subalit ang lakas at panahon mo ay mauubos mo sa kasalukuyan.

Masuwerteng numero; 5,16,18,23

TUPA (SHEEP)

Pagbibigyan mo ang kahilingan ng iyong mahal. Magandang araw ito para kayo ay lumabas at maglibang. Matagal nyo na itong hindi ginagawa kaya muli ninyong susubukan. Sa ganitong paraan ay muling mag-aalab ang inyong damdamin.

Masuwerteng numero; 8,13,14,15

UNGGOY (MONKEY)

Mahaba-haba pa ang lalakbayin mo para sa totoong tagumpay. Subalit bawat araw ay nadaragdagan ang iyong lakas at pagpupursige. Isa ang araw na ito na meron kang malakas na enerhiya para gawin ang iyong trabaho na mas mabuti kaysa ibang araw.

Masuwerteng numero; 6,17,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka mabibigo sa balak mong paghingi ng tulong sa isang malapit na kamag-anak. Maaaring mailap siya sa iba ninyong kamag-anak at hindi mo pa rin nasubukang lumapit sa kanya kahit close kayo, ngayon ay malalaman mo na totoo siyang may puso para sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,8,9,10

ASO (DOG)

Hindi suwerte at hindi rin malas ang araw na ito para sa’yo. Magbabalanse ang positibo at negatibo dahil pareho itong nakapaligid sa’yo. Iwasan mo ang mga kapitbahay na hindi naman malapit sa’yo dahil wala kang mapapala sa kanila. Wala silang pakialam sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,18,22,27

BABOY (PIG)

Huwag mong babalewalain ang isang kaibigan sa ipapakita niyang concern. Ang kanyang pagmamalasakit ay magmumula sa kanyang puso at ito ang magiging dahilan para malaman mo ang katotohanan tungkol sa iyong mahal.

Masuwerteng numero; 7,12,13,15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here