Chinese Horoscope; Enero 4

0
257

DAGA(RAT) Magiging magaan para sa’yo ang mga gawain ngayong araw. Hindi man mangyari ang nais mo ay mananatili naman ang kapayapaan sa dibdib mo. Hindi mo kakailanganin ngayon ang tulong ng iba lalo na ang tulong ng iyong mahal. Masuwerteng numero; 7,9,10,12

BAKA (OX) Ang galit na nararamdaman mo sa dibdib mo para sa isang tao na naging malapit sa’yo ay biglang maglalaho ngayong araw. Isang malapit din sa puso mo ang magiging daan para kayo ay magkaliwanagan at muling magkasundo. Masuwerteng numero; 5,16,27,28

TIGRE (TIGER) Hindi sasapat sa iyong pamilya ang effort na iuukol mo sa kanila. Para sa kanila ay mas mahalaga ang haba ng oras at panahon na mailalaan mo kaysa sa anupamang materyal na bagay na magmumula sa’yo. Mas kailangan ka nila. Masuwerteng numero; 3,6,8,10

KUNEHO (RABBIT) Magiging aktibo ka sa mga gawaing may kinalaman sa simbahan. Wala ka mang direktang kaugnayan dito ay magkakaroon ka naman ng bahagi. Malaki ang maitutulong man hindi man sa pera subalit sa pagbibigay mo ng iyong panahon. Masuwerteng numero; 4,15,26,28

DRAGON (DRAGON) Pansamantalang mawawala ang iyong mga pangamba tungkol sa isang mahalagang bagay na may kinalaman sa iyong anak. Ang maayos na niyang sitwasyon ngayon ay sapat na para sa’yo para ikaw ay mapanatag. Masuwerteng numero; 1,12,13,24

AHAS (SNAKE) Mawawalan na ng bisa ang charm mo sa isang importanteng tao. Ito ay dahil sa mga ipinakita mong attitude sa kanya nitong mga nakaraang araw. Wala kang pwedeng gawin ngayon para bumawi. Subukan mo na lang sa mga susunod pang araw. Masuwerteng numero; 4,5,7,19

KABAYO (HORSE) Maganda ang epekto sa’yo ng pakikipagkaibigan mo sa isang tao na sa online mo lang nakilala. Mabuti ang impluwensya niya sa’yo. Nanaisin mo siyang tularan at ang kanyang mga gawain ay magsisilbing inspirasyon para sa’yo. Masuwerteng numero; 2,9,19,30

TUPA (SHEEP) Hindi ka mapapakali dahil sa balitang makakarating sa’yo mula sa isang kamag-anak.Ang problemang posibleng kaharapin ng isa sa’yong mga kapamilya ay makakapekto sa’yo ng husto kaya naman labis ang iyong magiging pag-aalala. Masuwerteng numero; 6,16,17,28

UNGGOY (MONKEY) Ang kalagayan ng isang tao na malapit sa puso mo ang siyang magpapahirap ngayon sa damdamin mo. Mahalaga siya sa’yo at nagkaroon siya ng malaking parte sa buhay mo kaya hindi mo gusto ang isipin na anumang oras ay maaari na siyang mawala sa’yo. Masuwerteng numero; 5,7,28,30

TANDANG (ROOSTER) Kakapusin ka ng pasensya sa iyong mahal.Sa iyong palagay ay sobra-sobra na ang nagawa mo at naibigay mo para sa kanya pero parang kulang pa. Kaya naman ngayong araw ay pipiliin mo ang manahimik at titiisin mo na hindi siya kibuin. Masuwerteng numero; 1,12,19,20

ASO (DOG) Magkakamali ka ng akala sa isang kaibigan. Aakalain mo na balewala lang sa kanya ang iyong mga bilin. Pero magugulat ka dahil wala siyang makakalimutan ni isa man sa mga bilin mo. Dahilan para makuha niya ang iyong paghanga at tiwala. Masuwerteng numero; 1,2,13,14

BABOY (PIG) Back to work ka na ngayon kaya naman balik sa normal routine ang buhay mo. Bahay, trabaho,bahay.Isang post sa newsfeed mo ang magiging dahilan para maiba at magkakulay ang araw mo. Masuwerteng numero; 7,18,24,25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here