Chinese Horoscope; Enero 29

0
383

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magiging abala ka sa mga gawaing may kinalaman sa simbahan. Hindi ka sanay sa mga ganitong gawain subalit ang imbitasyon sa’yo para maging bahagi nito ay hindi mo magagawang tanggihan. Kapalit naman nito ay makakaramdam ka ng kapayapaan.

Masuwerteng numero; 8,11,12,23

BAKA (OX)

Okay lang sa’yo ang paminsan-minsang pagkakamali ng iyong karelasyon. Pero kung ito ay paulit-ulit na ay mapapaisip ka na kung ano ba ang mali sa’yo. Kaya naman makakagawa ka ng isang plano na babago sa sitwasyon nyo.

Masuwerteng numero; 1,3,14,16

TIGRE (TIGER)

Ang pag-aalala mo sa isang kamag-anak na nasa malayo ay maglalaho ngayong araw. Ito ay dahil sa magandang balita na makakarating sa’yo mula sa kanyang lugar kaya naman ang pag-aalala mo ay mapapalitan ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 2,5,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo mapapansin ang espesyal na pagtingin sa’yo ng isang malapit na kaibigan dahil ang iyong atensyon ay inookupa ng isang tao na malapit din sa’yo. Ang pagkakaiba lang ay hindi ka espesyal sa taong ito.

Masuwerteng numero; 10,12,22,25

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo man gustuhin ay muling iiral sa’yo ang pagkamaldita na matagal mo nang nakalimutan. Ang magiging dahilan nito ay ang sobrang pagkainis mo sa isang bagong kakilala na sa pakiramdam mo ay naiirita rin sa’yo.

Masuwerteng numero; 2,4,18,22

AHAS (SNAKE)

Hindi magtutugma ang plano nyo ng iyong mahal. May sarili kang plano at ganon din siya. Kung ito ay magkaiba ay wala itong patutunguhan kaya naman magkakaroon kayo ng seryosong pag-uusap tungkol dito.

Masuwerteng numero; 8,19,20,30

KABAYO (HORSE)

Kakailanganin mo ng diplomasya at sinseridad sa paggabay sa iyong anak. Nangangailangan din siya ngayon ng atensyon mo kaya dapat mong bawasan ang oras mo sa trabaho at sa social media para maibigay mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 2,4,15,20

TUPA (SHEEP)

Hindi makakatulong sa’yo ang binabalak mong pagmumukmok. Isipin mo na lang na ang problemang dinadala mo ngayon ay masyadong maliit kumpara sa mga tao na grabe ang pinagdadaanang hirap ngayon.

Masuwerteng numero; 12,21,29,30

UNGGOY (MONKEY)

Masuwerte ka pa rin sa kabila ng pagkasira ng isang mahalagang gamit mo. Masuwerte ka dahil agad mo itong mapapalitan. Iba talaga ang nag-iipon, may madudukot ka sa oras ng iyong pangangailangan gaya ngayon.

Masuwerteng numero; 8,9,17,29

TANDANG (ROOSTER)

Mamamangha ka sa ganda ng takbo ng iyong negosyo. Tila napakagaan nito ngayon at walang mga balakid. Lahat ng prospect clients mo ay makukuha mo at pagkakatiwalaan ka nila tulad ng pagtitiwala mo sa sarili mo.

Masuwerteng numero; 5,16,18,23

ASO (DOG)

May magagawa ka para matulungan ang isang kaibigan na mangangailangan ng iyong tulong. Handa kang ibigay ang hihilingin niya subalit may isang bagay lang ang makakapagpabago sa isip mo kaya ang tulong mo sa kanya ay mauudlot.

Masuwerteng numero; 6.13,25,30

BABOY (PIG)

Nakakastress ang mga nagdaang araw nyo ng iyong mahal kaya naman ngayong araw ay pipilitin mo na makabawi. Bagamat wala kang balak na aminin ang iyong pagkakamali ay balak mo na lang daanin sa panunuyo ang iyong pakikipagbati.

Masuwerteng numero; 8,19,22,27

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here