Chinese Horoscope Enero 29, 2021

808

DAGA (RAT)

Walang mababago sa sitwasyon ng iyong lovelife pero sa wakas ay magkakaroon ka na rin ng lakas ng loob na ipahayag ang tunay mong nararamdaman. Iwasan mo ang magkimkim ng mga emosyon na makakabigat lang sa iyong damdamin.

Masuwerteng numero; 2,12,13,24

BAKA (OX)

Isang bagong kaibigan ang mapapalapit sa’yo ang loob dahil sa mga katangiang makikita niya sa’yo at makikita mo sa kanya. Marami kayong pagkakatulad na magiging basehan nyo para magbuo ng isang magandang samahan.

Masuwerteng numero; 15,20,22,34

TIGRE (TIGER)

Hindi masama ang magtanong kung meron kang gustong malaman. Mas hindi magiging maganda ang sitwasyon kung mananatiling palaisipan sa’yo ang isang bagay na gustong gusto mong malaman. Matutong mag-usisa kung ito ay mahalaga para sa’yo.

Masuwerteng numero; 27,38,39,50

KUNEHO (RABBIT)

Isang tao ang hindi sinasadyang masasaktan mo ang damdamin dahil sa mga salitang iyong bibitawan. Hindi mo intensyon na patamaan siya pero sasakto sa kanya ang lahat ng sasabihin mo kaya iisipin niyang siya ang iyong pinatutungkulan kahit hindi naman.

Masuwerteng numero; 18,30,41,45

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang nasa itaas ngayon.Pero hindi ibig sabihin na mananatili ka sa iyong posisyon sa habang panahon. Mas makakabuti para sa’yo kung habang ikaw ay tinitingala nila ay mananatili kang mapagpakumbaba.

Masuwerteng numero; 18,19,66,68

AHAS (SNAKE)

Mahalagang malaman mo nag tinig ng iyong mga kasamahan sa trabaho para mapag-isipan mo ang proyekto na babagay sa inyo. Kung isa o dalawa lang ang pakikinggan mo ay magiging limitado lamang ang ideya nyo.

Masuwerteng numero; 16,42,55,59

KABAYO (HORSE)

Ikaw ang magiging takbuhan ngayon ng iyong mga kamag-anak dahil iisipin nila na nakakaluwag ka. Kahit anong paliwanag pa ang sabihin mo ay mas marami pa rin ang hindi makakaintindi kaysa sa mga makakaunawa.

Masuwerteng numero; 17,28,29,30

TUPA (SHEEP)

Makakaramdam ka ng pag-aalinlangan na bigyan ng pagkakataon ang isang manliligaw. Kung kailan naman kasi nahuhulog na din ang loob mo sa kanya ay saka ka makakabalita ng hindi magagandang bagay tungkol sa kanya.

Masuwerteng numero; 14,15,26,42

UNGGOY (MONKEY)

Malaki ang posibilidad na may mataas na taong makapansin ng iyong galing. Makukuha mo ang atensyon niya dahil sa iyong natatanging talento kaya naman labis kang mae-excite sa mga darating na bukas.

Masuwerteng numero; 1,12,25,29

TANDANG (ROOSTER)

Kukulangin ka sa budget sa araw na ito dahil sa mga bagay na uunahin mo pero hindi mo pa naman kailangan. Sa susunod ay pag-aralan mo kung paano ihiwalay ang needs sa wants upang hindi na maranasan ang sobrang kakapusan.

Masuwerteng numero; 30,44,56,61

ASO (DOG)

Makakadama ka ng sobrang selos sa isang malapit na kaibigan. Ang sobrang atensyon na ibibigay sa kanya ng iyong mahal ay hindi mo magugustuhan. Kaya hindi mo maiiwasan ang magdamdam sa kanilang dalawa.

Masuwerteng numero; 18,19,22,50

BABOY (PIG)

Mapaglaro ang tadhana at kung sino pa yung tao na pinakaiiwas-iwasan mo ay siya pang ilalapit sa’yo. Kaya naman kikilos ka na para kang nakatungtong sa numero. Daig mo pa ang nakikipagpatintero maiwasan lang siya.

Masuwerteng numero;11,31,40,78

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here