Chinese Horoscope; Enero 28

0
364

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magiging alerto ka sa mga usap-usapan sa paligid. May gusto kang malaman mula sa mga kapitbahay. May kinalaman ito sa iyong karelasyon. Pero mabibigo ka lang. Wala kang anumang matutuklasan na tulad ng iyong inaasahan.

Masuwerteng numero; 10,12,14,25

BAKA (OX)

Maipagmamalaki mo ngayon ang iyong sarili dahil sa mga kabutihang iyong naipamalas. Pero sa halip na magmalaki ay mananatili kang mapagpakumbaba at ipagpapatuloy na lang ang mga gawain na iyong nasimulan.

Masuwerteng numero; 7,18,19,20

TIGRE (TIGER)

Kukulangin ang oras na ilalaan mo para sa mga gawaing bahay. Maaabala ka sa maya’t maya mong pagtse-tsek sa social media kaya naman sa halip na matapos ng maaga ay aabutin ka pa ng hapon. Sa gabi ng iyong pagpapahinga ay mararamdaman mo ang pagod.

Masuwerteng numero; 2,13,23,26

KUNEHO (RABBIT)

Aasa ka na ang mga ginagawa at gagawin mo pang effort para sa iyong mahal ay masusuklian din sa hinaharap. Posible naman na mangyari ang inaasahan mo pero malayo pa ang araw na ‘yon. Sa ngayon ay mananatili kang umaasa.

Masuwerteng numero; 8,19,20,30

DRAGON (DRAGON)

Mabibigyan ka ng isang magandang pagkakataon sa trabaho para maipakita ang iyong natatagong galing at kakayahan. Sa umpisa ay makakaramdam ka ng pag-aalinlangan pero bago matapos ang araw ay mapagpapasyahan mo rin na dapat mo itong gawin.

Masuwerteng numero; 7,11,22,23

AHAS (SNAKE)

Hahangaan mo ang katapangan ng isang kaibigan sa isang pagdedesisyon na gagawin niya. Maiisip mo tuloy na kung ikaw kaya ang nasa sitwasyong kagaya ng sa kanya ay magagawa mo rin kaya ang tulad ng kaya niya.

Masuwerteng numero; 6,15,17,28

KABAYO (HORSE)

Susubukan mo na mamagitan sa dalawang kamag-anak na may hidwaan. Hindi mo gustong makialam sa kanila dahil ayaw mong madamay sa hindi magandang sitwasyon nila subalit iyon mismo ang eksaktong mangyayari.

Masuwerteng numero; 9,10,13,14

TUPA (SHEEP)

Malakas ang pakiramdam mo na may itinatago sa’yo ang kapartner mo sa buhay. Nararamdaman mo iyong sa mga kanyang kakaibang ikinikilos. At lalo pang madaragdagan ang iyong pagdududa ngayong araw.

Masuwerteng numero; 1,2,13,14

UNGGOY (MONKEY)

Maiibsan ang nararamdaman mong kalungkutan sa pagdating ng isang kaibigan na hindi mo madalas makita. Ang pagkukuwentuhan nyo ng mga tao at pangyayari mula sa nakaraan ang siyang makakapagpalibang sa’yo.

Masuwerteng numero; 6,7,22,30

TANDANG (ROOSTER)

Maaapektuhan ka ng usapang maririnig mo mula sa mga tao sa iyong paligid. Ang usapang ito ay may kinalaman sa taong nagbibigay ng inspirasyon sa’yo. Sa kabila ng mga maririnig mo ay mananatili ang pagmamahal mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 11,24,28,29

ASO (DOG)

Isang mahalagang gamit na pag-aari mo ang nakatakdang masira ngayon. Kaya naman makakaramdam ka ng lungkot dahil aakalain mo na hindi na ito magagawa. Subalit bago matapos ang araw ay makikita mo ulit ang paggana nito.

Masuwerteng numero; 7,18,20,22

BABOY (PIG)

Masuwerte ang iyong kaibigan sa pagkakaroon ng isang kaibigang tulad mo. Dahil ikaw ang mapipili niyang hingan ng tulong at hindi mo siya magagawang tanggihan. Likas kasi sa pagkatao mo ang pagiging matulungin.

Masuwerteng numero; 7,11,13,15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here