Chinese Horoscope, Enero 28, 2021

837

DAGA (RAT)

Isang kahilingan ng malapit na kamag-anak ang mapagbibigyan mo. Makakaramdam ka ng kasiyahan dahil dito. Kaya naman maiisip mo na kung kaya mo rin lang ay palagi mo itong gagawin dahil masarap talaga sa pakiramdam ang nakakatulong ka kaysa ikaw ang tinutulungan.

Masuwerteng numero; 19,20,50,56

BAKA (OX)

Magiging magaan ang araw na ito, sa bahay man o sa trabaho. Maganda ang iyong gising at plano mong maging good vibes lang hanggang sa matapos ang araw. Plano mo rin na makahawa ng kapositibuhan sa ibang tao.

Masuwerteng numero; 12,27,28,35

TIGRE (TIGER)

Makakaramdam ka ng pagkairita dahil sa utang sa’yo na hindi mababayaran ngayong araw. Inasahan mo ang pangako na maibibigay ito sa’yo ngayon. Wala ka namang magagawa kaya mas makakabuti kung habaan mo na lang ang iyong pasensya.

Masuwerteng numero; 14,15,26,29

KUNEHO (RABBIT)

Bagamat sinukuan mo na ang pag-ibig na sa tingin mo ay walang pag-asa, ngayong araw ay saka naman siya magpaparamdam sa’yo kaya malilito ka kung senyales ba ito na may natitira pang pag-asa o isa lamang walang kwentang pagpaparamdam.

Masuwerteng numero; 16,27,29,45

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka mahilig magbasa, subalit sa araw na ito ay mauubos ang oras mo sa pagbabasa. Makukuha kasi ang atensyon mo ng isang makabuluhang bagay na matatagpuan mo sa babasahing iyong mahahawakan at hindi mo ito bibitawan hangga’t hindi mo pa natatapos.

Masuwerteng numero; 18,20,30,31

AHAS (SNAKE)

Hindi mo magugustuhan ang mga mababasa mo sa social media. Makakaramdam ka ng pagseselos pero wala kang balak na ipaalam ito sa iba. Sa halip ay sasarilinin mo na lang muna at hahayaan na muna ang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 9,46,54,55

KABAYO (HORSE)

Isang masakit na salita ang mabibitawan sa’yo ng taong mahal mo. Natural lamang na masaktan ka kahit pa isipin mo na hindi niya iyon sinasadya. Hindi ito ang tamang pagkakataon para sa komprontasyon. Magpalipas na muna.

Masuwerteng numero; 5,11,12,34

TUPA (SHEEP)

Mauubusan ka ng madudukot sa iyong bulsa. Dahil ito sa walang kawawaan mong paggastos nitong mga nakaraang araw.Kaya ngayon ay mararamdaman mo ang kagipitan. Maging aral na ito sa’yo para sa susunod ay maging matalino ka na sa paggastos.

Masuwerteng numero; 6,13,27,40

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo malalaman kung kakayanin mo ang isang bagay o gawain kung hindi mo susubukan. Marami kang kaibigan na nasa likuran mo at handang tulungan ka sa iyong nais gawin. Ikaw na lang ang hinihintay ng sarili mo na magpasya.

Masuwerteng numero;29,41,52,60

TANDANG (ROOSTER)

Gaano mo man gustuhin na matulungan ang isang kaibigan na nangangailangan ay hindi mo magagawa. Wala kang sosobrang pera para ipahiram sa kanya.Ipagdasal mo na lang na makahanap siya ng tao na makakatulong sa kanya.

Masuwerteng numero; 9,33,37,38

ASO (DOG)

Hindi mo maiiwasan ang pagbabagong magaganap sa trabaho. At hindi mo rin maiiwasan na maging apektado nito. Ang dapat mong gawin ay pag-aralan ang bagong sistema at pag-isipan ang magagawa mong mabuti para rito.

Masuwerteng numero; 7,11,20,43

BABOY (PIG)

Makakaramdam ka ng pagod sa pag-unawa sa iyong mahal.Hindi mo gusto ang dumadalas ninyong pagtatalo pero wala kang magagawa, marami kang hindi nauunawaan sa kanyang mga ikinikilos at pagpapasya lately.

Masuwerteng numero; 12,23,24,25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here