Chinese Horoscope Enero 27, 2021

876

DAGA (RAT)

Huwag mong i-under estimate ang isang kaaway. Bagamat siya ay nananahimik ngayon, may kakayahan siyang lumaban sa paraan na hindi patas at hindi mo ito gugustuhin kaya mas makakabuti kung iiwas ka na lang.

Masuwerteng numero;17,20,33,46

BAKA (OX)

Isang nakaraan ang iyong babalikan at hindi mo ito maiiwasan kahit pa anong iwas ang gawin mo. Ilang tao sa iyong nakaraan ang babalik at nakatakdang manatili sa buhay mo ng medyo matagal ding panahon kaya ihanda ang sarili sa mga pagbabago.

Masuwerteng numero; 12,28,40,51

TIGRE (TIGER)

Mabibigla ka sa malalaman mong saloobin sa’yo ng isang bagong kakilala. Hindi mo aakalain ang laki ng paghanga niya sa’yo. Tinitingnan ka niya bilang isang magandang ehemplo at may balak siyang sundan ang iyong yapak.

Masuwerteng numero; 1,12,23,30

KUNEHO (RABBIT)

Mag-ingat sa mga taong makakasalamuha ngayong araw na ito. Lapitin ka ngayon ng mga manloloko kaya maging alisto, saan ka man magpunta sa anumang oras. Dahil ang mga taong may masamang intensyon ay wala ng pakialam sa umaga man o gabi.

Masuwerteng numero; 35,45,73,77

DRAGON (DRAGON)

Wala kang mapapala sa pagkumbinsi sa isang kaibigan na maki-join sa isang grupo na sinalihan mo. Hindi niya iyon forte. May iba siyang gustong gawin at magkakaroon lamang ng kayo ng hindi pagkakaunawaan kung pipilitin mo siya.

Masuwerteng numero; 19,25,28,30

AHAS (SNAKE)

Hindi mo inaasahan na sa oras ng iyong pangangailangan ay meron ka palang kamag-anak na malalapitan. Hindi kayo close ng kamag-anak mong ito subalit ngayon ay mapapatunayan mo ang kabutihan ng kanyang puso.

Masuwerteng numero; 28,33,41,42

KABAYO (HORSE)

Maaliwalas ang umaga sa araw na ito para sa’yo. Subalit bago sumapit ang gabi ay kukulimlim ang iyong araw dahil sa ilang gawain na magbibigay sa’yo ng stress  sa trabaho. Ang  tahanan mo pa rin ang iyong magiging stress reliever.

Masuwerteng numero; 16,20,21,57

TUPA (SHEEP)

May hatid na suwerte ang araw na ito para sa’yo dahil sa mga positibong tao na makakasalamuha mo. Hayaan mong mahawahan ka nila ng kapositibuhan dahil maganda ang magiging epekto nito sa’yo hanggang sa mga darating na araw.

Masuwerteng numero; 15,25,56,66

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang magiging takbo ng usapan nyo ng iyong boss. Kahit magkakaroon ka ng pag-aalinlangan sa umpisa ay mawawala din ito sa gitna ng inyong conversation. Magiging magaan lang ang lahat at isang plano na may kinalaman sa trabaho ang inyong mabubuo.

Masuwerteng numero; 7,8,12,40

TANDANG (ROOSTER)

Isan magandang oportunidad sa trabaho ang mapapasaiyo ngayong araw na ito. Sobra-sobra ang magiging pasasalamat mo sa itaas dahil sa mga biyayang patuloy niyang ipinagkakaloob sa’yo kaya huwag mong kakalimutan na magbahagi sa iba.

Masuwerteng numero; 16,30,57,69

ASO (DOG)

Malilito ka sa ipapakita sa’yo ng iyong mahal. Hindi mo matitiyak kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa inyong relasyon. Mas makakabuti kung lilinawin mo ito sa kanya upang hindi na ito makadagdag pa sa iyong mga alalahanin.

Masuwerteng numero; 24,35,71,72

BABOY (PIG)

Magkukulay rosas ang paligid mo sa araw na ito dahil sa isang pag-amin na magaganap. Isang tao ang aamin sa’yo ng espesyal niyang pagtingin. Sa kabila nito ay hindi magiging buo ang iyong kasiyahan dahil alam mong meron kang masasaktan.

Masuwerteng numero; 40,46,50,60

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here