Chinese Horoscope Enero 26, 2023

DAGA (RAT)

Ikaw ang tipo ng tao na marunong tumanaw ng utang na loob kaya naman sa araw na ito ay lilingunin mo ang isang tao na pinagkakautangan mo ng loob. Mabibigyan ka ng pagkakataon na maibalik sa kanya ang tulong na naibigay niya sa’yo noon.

Masuwerteng numero; 12,23,29,30

BAKA (OX)

Hindi ka na mahihirapan na hanapin ang isang tao na gusto mong makita dahil kusa na siyang lalapit sa’yo. May mahalaga siyang pakay subalit kailangan mo itong pag-isipan ng mabuti kung ayaw mo na magkamali.

Masuwerteng numero; 25,35,34,39

TIGRE (TIGER)

Masaya ang magiging byahe kasama ang pamilya. Bihira lang ito mangyari kaya naman susulitin nyo na ang bawat oras na lilipas sa piling ng isa’t-isa. No dull moment sa pagkakataong dahil sisiguruhin mo na mag-eenjoy lang ang lahat.

Masuwerteng numero;1,4,7,8

KUNEHO (RABBIT)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makadaupang palad ang isang tao na may katungkulan sa inyong lugar. Pero hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makausap siya at masabi sa kanya ang iyong mga hinaing na may kinalaman sa inyong lugar.

Masuwerteng numero; 13,14,32,51

DRAGON (DRAGON)

Hindi na lang isa kundi dalawang tao na ang magbibigay sa’yo ng stress ngayon. Pero wala sa kanilang dalawa ang magpapasuko sa katatagan mo. Ikaw at ikaw pa rin ang maninindigan sa pinaniniwalaan mong tama.

Masuwerteng numero; 64,67,69,72

AHAS (SNAKE)

Kahit na ano pa ang marinig mong mga masasakit na salita sa ngayon mula sa iyong kabiyak ay hindi ka pa rin matitinag. Mananatili kang nakakapit sa kanya tulad ng dati. Wala ka pa ring lakas ng loob para iwanan siya.

Masuwerteng numero; 35,41,44,50

KABAYO (HORSE)

Kahit na ano pa ang gawin mo ay hindi mo mapipilit ang isang tao na umayon sa gusto mo. Mas makakabuti kung gagawa ka ng bagong plano o pakikinggan mo ang plano niya at baka sakali magkasundo pa kayo.

Masuwerteng numero; 18,19,21,22

TUPA (SHEEP)

Masisiyahan ka sa effort na gagawin ng iyong karelasyon para lang mapaganda ang mood mo. Alam niya ang iyong pinagdaraanan at alam din niya kung paano ka pangingitiin. Magiging maayos din ang lahat sa tulong niya.

Masuwerteng numero; 65,70,78,89

UNGGOY (MONKEY)

Isang dating malapit na kaibigan ang kokontak sa’yo ngayon para makita ka. Hindi mo siya magagawang hindian dahil namimiss mo na rin siya. Magiging masaya ang muli ninyong pagkikita kahit maraming aberya.

Masuwerteng numero; 15,17,23,24

TANDANG (ROOSTER)

Mag-uumapaw ang galak sa dibdib mo ngayon dahil sa isang malaking blessing na matatanggap mo sa araw na ito. Ang buong maghapon ay magiging maaliwalas para sa’yo at nanamnamin mo ito hanggang sa gabi.

Masuwerteng numero; 11,12,21,33

ASO (DOG)

Sa gitna ng kaguluhang magaganap sa araw na ito ay pipiliin mo pa rin ang magpakahinahon kahit pakiramdam mo ay daig mo pa ang bulkang sasabog. Alam mo na kasi ang kakalabasan kapag hindi mo nakontrol ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 52,56,64,69

BABOY (PIG)

Mapipilitan kang kumilos nang kumilos para sa ikakabuti ng kalagayan ng iyong pamilya. Wala silang ibang maaasahan kundi ikaw lang. Kaya naman kakapalan mo na ang mukha mo sa paglapit sa iyong mga kaibigan para lang magkatrabaho ulit.

Masuwerteng numero; 5,9,10,14

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here