Chinese Horoscope Enero 26, 2021

DAGA (RAT)

Huwag mong pigilan ang iyong mahal sa kanyang nais gawin. Hindi makakabuti sa inyong relasyon kung palagi mo siyang mamanduhan sa kanyang gagawin.Huwag mong hintayin na mamili pa siya sa pagitan mo at ng kanyang pangarap.

Masuwerteng numero; 14,21,26,29

BAKA (OX)

Malaki ang mawawala sa’yo kung ipagpapatuloy mo ang pagbabago-bago mo ng isip tungkol sa pagdedesisyon sa isang mahalagang bagay. Mas makakabuti kung pag-iisipan muna itong mabuti bago magbitaw ng final na pasya.

Masuwerteng numero;15,30,59,68

TIGRE (TIGER)

Magiging magaan ang takbo ng iyong negosyo. Mas makakabuti kung magpopokus ka na lamang dito at huwag na munang maghanap ng extra income dahil hindi ito magandang pagkakataon para rito. Malaki ang posibilidad na ikaw ay maloko kung susubok pa sa iba.

Masuwerteng numero; 10,29,34,57

KUNEHO (RABBIT)

Sa kabila ng iyong kaabalahan sa trabaho ay maisisingit mo pa rin ang pleasure. Wala namang masama dito as long as hindi mo napapabayaan ang obligasyon mo sa pamilya at gayundin ang responsibilidad mo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 9,10,11,33

DRAGON (DRAGON)

May pagbabagong magaganap sa iyong daily routine dahil sa pagbabago ng iyong schedule sa trabaho. Mahihirapan kang mag-adjust lalo pa at sanay ka na sa natural mong sistema. Wala kang magagawa kundi sumunod sa agos.

Masuwerteng numero; 16,20,30,45

AHAS (SNAKE)

Isang komprontasyon ang magaganap sa pagitan mo at ng isang kapamilya. Ikaw ang mas higit na nakakaunawa kaya inaasahan ng lahat na sa’yo rin magmumula ang pagpapakumbaba. Huwag mo silang biguin.

Masuwerteng numero; 1,2,22,26

KABAYO (HORSE)

Hindi mo maiiwasan ang magdamdam sa isang kaibigan sa ipapakita niyang pag-uugali sa’yo. Pero hindi ito sapat na dahilan para itapon mo ang inyong pinagsamahan. Dumarating talaga sa isang pagkakaibigan ang mga hindi pagkakaunawaan.

Masuwerteng numero; 5,11,13,14

TUPA (SHEEP)

Pangalagaan mo ang iyong kalusugan dahil lapitin ka ngayon ng mga karamdaman. Kailangan mo itong iwasan lalo pa at hindi ka pwedeng magkasakit sa mga panahon na ito na walang ibang maaasahan ang iyong pamilya kundi ikaw.

Masuwerteng numero; 16,33,41,50

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mapapasaiyo ang perang inaasahan mo sa araw na ito. Wala pang sapat na pera ang nanghiram sa’yo para makapagbayad ngayon sa ipinangako niyang araw. Subalit wala kang dapat ipag-alala dahil may plano pa naman siyang magbayad.

Masuwerteng numero; 7,12,20,24

TANDANG (ROOSTER)

Isang magandang balita ang matatanggap mo mula sa isang malapit na kamag-anak. Magiging dahilan ito para maging aktibo ka sa bawat oras na lilipas at ang buong maghapon mo ay magiging masigla at makulay.

Masuwerteng numero; 40,55,56,69

ASO (DOG)

Kahit hindi ka magsalita ay mararamdaman niya ang pag-aalinlangan mo sa kanyang mga sinasabi. Ang iyong pagdududa ay hindi makakaligtas sa kanya kaya hindi mo na kailangan mag-effort para iparamdam ito.

Masuwerteng numero; 15,20,22,39

BABOY (PIG)

May mga bagay kang mas dapat unahin kaysa sa hindi pagkakaunawaan ng ilan sa miyembro ng inyong pamilya. Maaayos din nila ang kanilang problema maski hindi ka makialam kaya magpokus ka na lang muna sa sarili mong problema.             

Masuwerteng numero; 18,32,44,47

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here