Chinese Horoscope Enero 25, 2021

828

DAGA (RAT)

Ang pagiging materialistic mo ang siyang maglalagay sa’yo sa alanganing sitwasyon. Bawas bawasan mo muna ang iyong luho kung ayaw mo na mangapa ka sa bulsang walang lamang. Magtipid hangga’t maaari.

Masuwerteng numero; 19,30,42,51

BAKA (OX)

Huwag kang magpapakasiguro sa iyong kaharap. Natural lamang na hindi mo muna dapat ibigay ang iyong buong pagtitiwala sa isang tao na bago mo pa lamang kakilala. Huwag magtanga-tangahan sa katotohanan.

Masuwerteng numero; 1,12,14,20

TIGRE (TIGER)

Maaga pa para magbunyi. Siguraduhin mo muna na malinis at maayos ang bawat detalye ng inyong laban. May mga bagay ka pang dapat malaman na nangyayari sa likuran ng laro bago ka sumabak ulit at gawin ang iyong best.

Masuwerteng numero; 8,19,24,34

KUNEHO (RABBIT)

Hindi siya ang iyong forever kaya huwag mong ibuhos sa kanya ang pagmamahal mo dahil baka pagdating ng iyong truelove ay wala ka ng maibigay. Dapat ka ring magtira ng pagmamahal para sa sarili mo at iyon ang pinaka importante.

Masuwerteng numero; 43,57,58,69

DRAGON (DRAGON)

Sa araw na ito ay kakailanganin mong pagtuunan ng atensyon ang iyong kalusugan. Sikapin na makakain ng masustansya, makapag-ehersisyo at makatulog ng sapat na oras. Sa panahon ngayon sobrang hirap na ang magkasakit sa sobrang mahal ng gamot.

Masuwerteng numero; 6,23,44,67

AHAS (SNAKE)

Hindi magiging maganda ang sitwasyon mo sa araw na ito kung paiiralin mo ang pride. Paminsan minsan ay dapat ka ring magpakumbaba lalo na sa mga pagkakataon na ikaw naman talaga ang dapat umunawa at hindi siya.

Masuwerteng numero; 8,9,11,13

KABAYO (HORSE)

Huwag mong ipagwalang bahala ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyong magkakapatid. Habang tumatagal ay lalong lalalim ang sugat sa inyong mga puso nang hindi ninyo namamalayan pare-pareho. Hangga’t maaga pa ay solusyunan nyo na agad ito.

Masuwerteng numero; 17,23,45,46

TUPA (SHEEP)

Hindi man siya umamin ay mahahalata mo naman sa kanyang mga kilos at galaw ang malaking pagbabago sa inyong relasyon. Mararamdaman mo nang husto ang paglamig ng inyong relasyon kaya maging alerto ka sa dahilan nito.

Masuwerteng numero; 19,40,56,67

UNGGOY (MONKEY)

Habang pinipigil ay lalong nanggigigil, iyan ang nangyayari sa karelasyon mo ngayon kaya hayaan mo siya. Ibigay mo ang kalayaan na hinihingi niya. Sa huli ay meron din siyang mare-realize. Siya ang matatalo at hindi ikaw.

Masuwerteng numero; 13,14,25,34

TANDANG (ROOSTER)

Malalaman mo sa araw na ito kung sino sa mga kaibigang nakapalibot sa’yo ang tunay na nagmamalasakit. Kapag nalaman mo na ay sarilinin mo na lang muna ito. At least alam mo na kung sino sa kanila ang totoo at hindi.

Masuwerteng numero; 5,30,45,60

ASO (DOG)

Malayo ang mararating ng iyong pagkakawanggawa kung hahayaan mo ang iba na tumulong sa’yo. Hindi mo kailangan solohin ang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na kung may mas kakayahan ang iba na gawin ito.

Masuwerteng numero; 9,10,55,60

BABOY (PIG)

May mag-aalok sa’yo ng isang negosyo at maeengganyo ka dito. Mag-ingat lalo na kung ito ay isang online business. Mahirap kitain ang pera kaya naman bago ka magbitaw nito ay siguraduhin mo muna na maayos ang paglalagakan .

Masuwerteng numero; 4,15,20,34

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here