Chinese Horoscope; Enero 25

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

DAGA (RAT)

May mahalagang bagay kang maisasantabi dahil matutuon ang atensyon mo sa isang tao na darating. Dala niya ang isang balita na magiging palaisipan sa’yo. Ito ang bibigyan mo ng pansin sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 12,23,29,30

BAKA (OX)

Hahanap hanapin mo ang isang tao na nakilala mo sa isang event. Makakadama ka ng pagsisisi na hindi mo man lang nakuha ang full name at number niya. Mag-uubos ka ngayon ng oras para hanapin siya sa social media.

Masuwerteng numero; 1,13,20,25

TIGRE (TIGER)

Huwag ka magpakasiguro sa taong pinili mong pagkatiwalaan ng iyong sikreto. Hindi sya ganoon kaingat humawak ng sikreto. Malaki ang posibilidad na maisiwalat niya ang iyong lihim sa hindi inaasahang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 47,48,51,53

KUNEHO (RABBIT)

Maiimbyerna ka sa kamag-anak ng iyong kabiyak dahil sa dumadalas nitong pakikialam sa inyong pagsasama. Gayunpaman, mas pipiliin mo pa rin na panatilihin ang respeto mo sa kanya alang-alang sa iyong kabiyak.

Masuwerteng numero; 5,16,27,32

DRAGON (DRAGON)

Walang buting maidudulot sa inyong relasyon ang palagi mong pagsama sa iyong mga kaibigan o barkada. Kaya ngayon pa lang ay kakailanganin mo nang magdesisyon kung sino ang mas bibigyan mo ng prayoridad.

Masuwerteng numero; 3,5,10,11

AHAS (SNAKE)

Ang pansamantala mong pananahimik ay magsisilbing daan para ma-realize mo na hindi ka na dapat nakisali pa sa gulo ng isang pamilya. Makakabuti ito para sa’yo alang-alang na rin sa inyong mga pinagsamahan.

Masuwerteng numero; 25,30,33,39

KABAYO (HORSE)

Magiging masaya ka at komportable sa piling ng iyong mahal sa araw na ito. Yung pakiramdam mo ay walang problema kang hindi kakayanin dahil kasama mo siya. Kaya naman ang buong maghapon ay smooth sailing lang.

Masuwerteng numero; 34,40,42,56

TUPA (SHEEP)

May mga bagong trabaho na madaragdag sa’yo sa araw na ito. Sa halip na magreklamo ay dapat mo itong ipagpasalamat sa Diyos na patuloy ka niyang ibine-bless sa kabila ng iyong mga pagkukulang. Malaki ang maitutulong nito sa gastusin mo.

Masuwerteng numero; 64,67,70,71

UNGGOY (MONKEY)

Isang tao na lihim na humahanga sa’yo ang magpapaabot ng kanyang mensahe. Ikabibigla mo ito dahil wala sa hinagap mo na sasabihin niya ang ganitong bagay sa’yo. Ikaw pa rin ang siyang makakapagdesisyon sa huli.

Masuwerteng numero; 2,4,6,8

TANDANG (ROOSTER)

May bagong oportunidad na darating. Kahit malaking tulong ito para sa’yo ay kailangan mo pa rin itong pag-isipan na mabuti dahil marami ang maaapektuhan sa gagawin mong desisyon kabilang na ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 20,22,27,31

ASO (DOG)

Isang kaibigan ang mangangailangan ng iyong tulong. Sa pagkakataong ito ay magdadalawang isip ka na tulungan siya dahil may hindi magandang bagay siyang nagawa sa’yo. Subalit mananaig pa rin ang iyong pagkamaawain.

Masuwerteng numero; 50,53,65,68

BABOY (PIG)

Walang makakapagpabago ng desisyon mo na may kinalaman sa iyong personal na relasyon sa isang tao. Para sa’yo meron kang sariling pag-iisip at hindi na kailangan maging sunud sunuran sa gusto ng kahit na sino.

Masuwerteng numero; 76,79,80,81

SHARE
Previous articleGOOD LUCK TIP SA PAGSALUBONG SA CHINESE NEW YEAR
Next articleANG KONGRESO NG MGA EXORCISTS SA BANSANG POLAND
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here